KALIDAD NG EDUKASYON

Cards (14)

  • Mga suliranin sa Impraestraktura:
    • Strength of the building
    • Availability of classroom facilities
    • Availability of learning materials
  • Ito ang tawag sa mga pisikal na estruktura na tumutugon sa pangangailangan ng isang komunidad tulad ng mga kalsada, tulay, linya ng koryente, at gusali.
    Impraestruktura
  • Sila ay responsable sa pagpapatayo ng mga gusali at silid-aralan sa Pilipinas
    Department of Public Works and Highways o DPWH
  • Sila ay responsable sa pangangalaga at pagsasaayos ng mga impraestrukturang ito
    Department of Education (DepEd)
  • Mga suliranin sa pagtuturo:
    • Hindi angkop na kasanayan para sa mga guro
    • Propesiyang tumutupad sa sarili
  • Noong 2016, inilunsad ng DepEd ang programang Learning Action Cell (LAC) na binubuo ng pangkat ng mga gurong nagtutulungan sa pamamagitan ng mga learning session upang mapagtagumpayan ang mga hamon na kanilang kinakaharap sa pagtuturo sa ilalim ng itinalagang LAC leader.
  • Inilunsad din ng DepEd ang In-Service Training (INSET) kung saan nagsasagawa ang Kagawaran ng seminar sa mga paaralan upang mas mapalawak at mapagbuti pa ng mga guro ang kanilang mga kaalaman, kasanayan, at pamamaraan sa pagtuturo.
  • Ang iniisip o ipinagpapalagay ng isang tao na maaaring mangyari sa hinaharap ay nakaaapekto sa kanyang kilos at gawa sa kasalukuyan.
    Self-fulfilling prophecy
  • Ang konseptong ito ay tumutukoy sa sikolohikal na penomeno kung saan ang inaasahan ng iba patungkol sa kakayahan ng isang tao ay nakaaapekto sa kakayahan ng taong iyon.
    Pygmalion Effect o Rosenthal Effect
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral:
    • Kakulangan sa kalusugan ng mag-aaral
    • Pandaraya sa mga gawaing pang-akademiko
  • Inilunsad ng DepEd, International Institute of Rural Reconstruction (IIRR), at Kagawaran ng Agham at Teknolohiya–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang mga proyekto tulad ng School-Based Feeding Program (SBFP), Gulayan sa Paaralan Program (GPP), at Nutrition Education Program.
  • Ayon sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na kulang ang nakukuhang nutrisyon, o ang mga tinatawag na malnourished, ay karaniwang nakikitaan ng kahinaan sa pag-aaral.
  • Dahilan kung bakit delikado ang ipagsawalang-bahala ang pandaraya:
    • Ang pandaraya ay maaaring makasanayan ng mga mag-aaral.
    • Nakasisira ng kredibilidad o reputasyon ng sistema ng edukasyon sa bansa ang laganap na pandaraya.
    • Posibleng mapahamak ang lipunan sa mga proyektong gawa ng mga nandaraya.
  • Ito ay ang pagkuha ng gawa o idea ng ibang tao nang walang maayos na pagkilala sa maygawa o pinanggalingan ng idea, o ang pagpresinta dito bilang isang sariling gawa o idea.
    Plagiarism