Ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-17 hanggang ika-18 siglo. Bilang kilusang intelektuwal, binubuo ito ng mga iskolar na nagtangkang akayin ang mga Europeo palayo sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran, ng superstisyon o pamahiin, at ng mapaniil na kondisyong namayani sa Gitnang Panahon tungo sa paggamit ng rason o katuwiran, kaalaman, at edukasyon upang masugpo ang pama- hiin at kamangmangan.