Inilalarawan ng may akda o awtor ang mga katangian ng isang bagay, tao, ideya, pangyayari, hayop, paniniwala, lugar atbp.
Pang-uri at pang-abay
Ang mga _____ at _____ ay karaniwan nang gamitin sa deskriptibong teksto
Pagpili ng Paksa
Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi bago sa iyong paningin
Pagbuo ng isang pangunahing larawan
Ito ang unang kakingalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring inilarawan sa nakikinig o bumabasa
Pagpili ng sariling pananaw o perspektibo
Nakita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw. Dapat pumili ang manunulat ng sariling pananaw at mula laman doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao, o ang pangyayaring kanyang tinatalakay. Subalit maaaring magbago ng pananaw ang sino mang nais naglalarawan
Pagsama-sama ng mga mahahalagang sangkap
Natatamo ito sa pagpili ng maliliit na bahaging maaring makita lamang mula sa pananaw na napili ng naglalarawan
Pagpili ng mga sangkap na isasama
Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao, pook, o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito
Karaniwang Paglalarawan
Pagbubuo ito ng malinaw na larawan o literal sa isipan ng mababasa sa tulong ng mga katanglang ating napag-aralan na. Layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay
Masining na Paglalarawan
Pumukaw ng guniguni. Ito ay gumgamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw, at ,matinding damdamin. Isinasaalang-alang din dito ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat