Ang tekstong persweysiv ay tekstong nanghihikayat.
Tekstong Persweysiv
Ito ay isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at tagapakinig na paniwalaan ang isang ideya.
Ang tekstong persweysiv ay ang nagbibigay ng opinyon ng may-akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla.
Ang tono ng tekstong persweysiv ay subhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.
Layunin ng tekstong persweysiv ang maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa.
Tekstong Persweysiv
Ito ang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon.
Ang tekstong persweysiv ay gumagamit ng mga nakakaganyak na salita.
Nararapat na maging maganda ang nilalaman ng tesktong persweysiv upang makuha ang interes ng mga mambabasa, manonood at tagapakinig.
Ano-ano ang mga halimbawa ng tekstong persweysiv?
Iskrip sa patalastas
Talumpati
Propaganda sa eleksyon
Flyers ng mga produkto
Brochures
Ang Tatlong Paraan/Elemento ng Panghihikayat ayon kay Aristotle ay:
Ethos
Pathos
Logos
Ethos
Sa itong paraan ng panghihikayat, naiimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig.
Pathos
Sa itong paraan ng panghihikayat, mayroong pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig.
Ang Pathos ay ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat.
Logos
Ang paraan ng panghihikayat nito ay umaapila sa isip.
Propaganda devices
Ito ang mga ginagamit na instrumento ng tekstong persweysib sa pang-aakit ng madla.
Ang mga halimbawa ng propaganda devices ay Name Calling, Glittering Generalities, Transfer, Testimonial, Plain Folks, Bandwagon, at Card Stacking.
Name Calling
Ito ay uri ng propaganda device na gumagamit ng hindi magagandang puna sa isang tao o bagay.
Name calling
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Name calling
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Glittering Generalities
Ito ay uri ng propaganda device na nangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda,
nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Glittering generalities
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Glittering generalities
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Transfer
Ito ay uri ng propaganda device kung saan iniliipat ang kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Transfer
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Transfer
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Testimonial
Ito ay uri ng propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Testimonial
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Plain Folks
Ito ay uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan.
Ang plain folks ay ang propaganda device na kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
Plain Folks
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Bandwagon
Ito ay uri ng propaganda device na hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Bandwagon
Ito ay halimbawa ng anong propaganda device?
Card Stacking
Ito ay uri ng propaganda device na nagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.