Tekstong Prosidyural

Cards (11)

  • Tekstong Prosidyural
    Ito ay isang uri ng tekstong expository na nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa at nagpapaliwanag tungkol sa isang tiyak na paksa.
  • Tekstong Prosidyural
    Inilalahad sa tekstong ito ang mga serye o hakbang, kasangkapan, o materyales na maaaring gagamitin upang matamo ang inaasahan. 
  • Ang Tekstong Prosidyural ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa kung paano isagawa ang proseso ng paggawa o paggamit ng isang bagay. 
  • Sa Tekstong Prosidyural, kailangang tiyak at wasto ang paglalahad ng mga impormasyon.
  • Sa Tekstong Prosidyural, organisado ang pagsasaayos ng mga proseso. 
  • Sa Tekstong Prosidyural, malinaw na naipaliliwanag ang mga kakailanganing gawin para makamit ang katagumpayan sa inaasahang kalalabasan ng output.
  • Sa Tekstong Prosidyural, simple o payak ang paggamit ng mga salita o terminolohiya.
  • Sa Tekstong Prosidyural, dapat ay madaling maunawaan ang nilalaman ng target na mambabasa.
  • Ang layunin ng tekstong prosidyural ay maipabatid ang wastong proseso kung paano isagawa ang isang bagay.
  • Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makatulong upang mapadali ang pagsasagawa o paggamit ng isang bagay.
  • Ang layuning ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng kabatiran sa mga mambabasa.