Tekstong Argumentatibo

Cards (19)

  • Ang layunin ng tekstong argumentatibo ay mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatwiran.
  • Tekstong Argumentatibo
    Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan , kaugnay na
    mga literatura at pag-aaral, ebidensiya , kasaysayan at resultang emperikal na pananaliksik.
  • Ang tekstong argumentatibo ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.
  • Ang layunin ng tekstong argumentatibo ay mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag nito.
  • Ang Dalawang Elemento ng Pangangatwiran ay ang Proposisyon at Argumentatibo.
  • Proposisyon
    Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-uusapan.
  • Argumentatibo
    Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang
    maging makatuwiran ang isang panig.
  • Ang Tatlong Bahagi ng Tekstong Argumentatibo ay ang Panimula/Introduksiyon, Katawan, at Konklusyon.
  • Ang panimula ng tekstong argumentatibo ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at proposisyon.
  • Panimula o Introduksiyon
    Ang bahaging ito ng tekstong argumentatibo ay mapanghimok at nakakukuha ng interes ng mamababasa tungkol sa paksa.
  • Panimula o Introduksiyon
    Sa bahaging ito ng tekstong argumentatibo tinatalakay ang “pinanggalingan” ng may-akda kung bakit niyanaisipang bumuo ng argumento at igiit ang kanyang panig.
  • Ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman ng isang
    opinyon na maaaring pagtalunan.
  • Katawan
    Sa bahaging ito ng tekstong argumentatibo tatalakayin ang bawat ebidensiyang sumusuporta sa argumento.
  • Katawan
    Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa
    isyung tinatalakay, nang sa gayon ay magtaglay ng bigat ang
    mga pangangatwiran.
  • Konklusyon
    Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang
    pananaw ukol sa kaniyang proposisyon.
  • Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga
    patunay na nabanggit sa katawan ng teksto.
  • Ang Mga Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:
    1. Mahalaga at napapanahong paksa.
    2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
    3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
    4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.
    5. Matibay na ebidensya para sa argumento.
  • Ano ang mga halimbawa ng mga akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo?
    • Tesis
    • Posisyong Papel
    • Papel na Pananaliksik
    • Petisyon
  • Ang Argumentatibo ay nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon, samantala ang Persweysiv ay nangungumbinsi batay sa opinion.

    Sa Argumentatibo, nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensiya (logos). Sa Persweysiv, nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon (pathos), at pagpokus sa kredibilidad ng may-akda (ethos).

    Argumentatibo:Obhetibo ; Persweysiv:Subhetibo