Naratibo

Cards (17)

  • Naratibong teksto
    Pagsasalaysay o pagkukuwento ng pangyayari sa isang tao/tauhan. Maikling kuwento, kasaysayan, talambuhay, at iba pa.
  • Layunin ng tekstong naratibo
    Mang-aliw, manghikayat, magbigay-aral, magsalaysay.
  • Katangian ng tekstong naratibo
    1. mahusay na pagsasalaysay
    2. sistematiko
    3. maayos ang paglalahad ng datos
  • Unang panauhan (first person)

    Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang naranasan, naalala, o naririnig kaya gumamit ng panghalip na AKO.
  • Ikalawang Panauhan (second person)

    Kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento. Gumagamit ng KA o IKAW
  • Ikatlong Panauhan (third person)

    Tagapag-obserbang pananaw. Ang pagsasalaysay ay ginawa ng isang taong walang relasyon sa nagaganap.
  • Direkta o Tuwirang diyalogo

    Tuwirang pagsasabi ng naiisip o nararamdaman. Gumagamit ng panipi ("")
  • Di-direktang diyalogo

    Ang nagsasalaysay ang nagpapahayag ng damdamin. Hindi ito ginagamitan ng panipi.
  • Impormal na pagsasalaysay (katangian)

    Hindi kinakailangan ng plot. Parang kausap lamang ang audience. Conversational style.
  • Madaling basahin
    Organisado, maayos ang paglalahad. Madaling basahin dahil may aral.
  • May panimulang detalye
    Maliwanag sino, saan, maaaring hindi direkta. Kinukumpleto ng mga detalye ang teksto.
  • Retorika/Masining
    Ginagawang magaan ang paraan ng pag-intindi sa teksto
  • Pagpapakilala ng tauhan
    Expository - pinapakilala ng tagapagsalaysay ang pagkatao ng tauhan.
    Dramatiko - kusang magbubunyag ang karakter dahil sa kaniyang pagkilos o pagpapahayag.
  • Uri ng tauhan
    Pangunahin - bida
    Katunggali - kontrabida
    Kasamang tauhan - kasama/sidekick
    Ang may-akda
  • Dalawang uri ng tauhan
    Bilog - multidimensyional, nagbabago ang pananaw
    Lapad - nagtataglay ng iisa o dalawang katangian na madaling matukoy
  • Tagpuan at panahon
    Tagpuan - lugar
    Panahon - oras, petsa, panahon
  • Mga elemento
    1. Tauhan
    2. Tagpuan at Panahon
    3. Banghay
    4. Paksa o Tema