IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Cards (28)

  • Maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya, magbigay-kahulugan sa mga ideya, maglatag ng mga panuto o direksiyon, ilarawan ang anumang bagay na ipanaliliwanag, at magturo
  • Tekstong impormatibo
    Tinatawag ding ekspositori. Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing di-piksiyon.
  • Maaari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, mga aklat sanggunian, at iba pa.
  • Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.
  • Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar
  • Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga talahanayan o grap upang maging mas madali ang pang-unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto.
  • Tekstong impormatibo
    Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon
  • Uri ng tekstong impormatibo
    • Sanhi at bunga
    • Paghahambing
    • Pagbibigay-depenisyon
    • Pagkaklasipika
  • Sanhi at bunga
    • Nagpapakita ng pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari
    • Nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
  • Paghahambing
    • Nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari
  • Pagbibigay-depenisyon
    • Ipinaliliwanag ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto
  • Pagkaklasipika
    • Naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay
  • Mga kasanayan sa pagbasa ng tekstong impormatibo
    • Pagpapagana ng imbak na kaalaman
    • Pagbuo ng hinuha
    • Pagkakaroon ng mayamang karanasan
  • Layunin ng tekstong deskriptibo ay ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba pa
  • Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suporta ng mga impormasyong inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga panyayari o kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo
  • Karaniwang paglalarawan
    • Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at pang-abay
  • Masining na paglalarawan
    • Malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan
  • Layunin ng tekstong nanghihikayat ay umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
  • Ethos
    Ang karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita
  • Logos
    Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita
  • Pathos
    Ang pag-apela sa emosyon ng mambabasa
  • Ethos
    Karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat/tagapagsalita
  • Logos
    Opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tagapagsalita
  • Pathos
    Emosyon ng mambabasa/tagapakinig
  • Tekstong Naratibo
    • Nagsasalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari
    • Maaaring ilahad ang mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal na karanasan ng manunulat o ng isang natatanging tao
  • Elemento ng Tekstong Naratibo
    • Banghay
    • Tagpuan
    • Tauhan
    • Suliranin o Tunggalian
    • Diyalogo
  • Paksa, estruktura, oryentasyon, at pamamaraan ng narasyon ang mga isaalang-alang sa pagbuo ng mahusay na narasyon
  • Creative Nonfiction (CNF)

    Isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon