Katangian ng pananaliksik

Cards (13)

  • Sistematiko - nakasusunod sa proseso o pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
  • Kontrolado - pare-pareho at hindi nagbabago ang lahat ng nasuri na baryabol
  • Empirikal - ang mga pamamaraan na ginamit ay dapat na katanggap-tanggap    pananaliksik maging kahit na nakolektang datos
  • Mapanuri - ang mga datos ay kailangang suriin nang krikital upang hindi magkamali ang  mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap
  • Obhetibo, Lohikal, at Walang Pagkiling - ang lahat ng natuklasan ay dapat na lohikal na nakabatay sa empirical na datos at    walang ginawang pagtatangkang baguhin ang mga resulta ng pananaliksik
  • Gumagamit ng Kwantitatibo o Estadikal na Metodo - ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment
  • Orihinal na Akda - ang mga datos na nakolekta ay kanyang sariling papel at hindi mula sa kanyang panulat, pagtuklas o publikasyon ng ibang mga mananaliksik at dapat magmula sa pangunahin o first-hand  na pinagmumulan
  • Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon - ang bawat gawaing pananaliksik ay kailangang isagawa nang wasto o nang ang pagtuklas ay humantong sa pagbabalangkas ng siyentipikong   paglalahat
  • Matiyaga at Hindi Minamadali - upang matiyak ang katumpakan o kawastuhan ng pananaliksik, kinakailangang magtiyaga sa bawat hakbang Ang pananaliksik na ginagawa nang madalian, nagpapatuloy nang walang ingat, kadalasan ay humahantong sa mahinang konklusyon at paglalahat
  • Pinagsisikapan - ang tagumpay  ay nangangailangan ng oras, katalinuhan at pagsusumikap upang maisagawa nang buo ang pananaliksik
  • Nangangailangan ng Tapang - ang lakas ng loob ay kailangan dahil maaaring may panganib at kakulangan sa ginawa  sa pananaliksik .May mga pagkakataon din na maaaring mahirapan  siya sa hindi pagsang-ayon ng publiko at lipunan
  • Maingat na Pagtatala at Pag-uulat - ang maliliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga resulta ng pananaliksik. Kailangang mag-ulat sa pamamagitan ng pagsulat sa anyong papel pananaliksik at kadalasan sa pamamagitan ng oral form o oral defense o pagtatanghal.
  • ENUMERASYON:
    1. Sistematiko
    2. Kontrolado
    3. Empirikal
    4. Mapanuri
    5. Obhetibo, Lohikal, at Walang Pagkiling
    6. Gumagamit ng Kwantitatibo o Estadikal na Metodo
    7. Orihinal na Akda
    8. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon
    9. Matiyaga at Hindi Minamadali
    10. Pinagsisikapan
    11. Nangangailangan ng Tapang
    12. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat