Uri ng teksto na nasa anyong pasalaysay at ito ay nasa paraang nagkukwento patungkol sa sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
TEKSTONG NARATIBO
mga layunin ng tekstong naratibo
Magbigay kabatiran, Magbigay ng lubusang kawilihan sa mambabasa, Pagbibigay ng angkop at makabuluhang impormasyon hinggil sa tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon at sangkot at piling tauhan, Magbigay ng isang maayos at matibay na kongklusyon
Anyong pasalaysay sa ilalim ng uri ng akdang tuluyan na ang layunin ay magkwento gamit ang sariling imahinasyon ng isang tao
bilang piksyon
Kabaliktaran ng katuturan ng piksyon na nagsasaad sa mga totoong pangyayari sa buhay ng isang tao
bilang di-piksyon
Ginagamit sa bahaging ito ang isahang pagsasalaysay batay sa pansariling karanasan at gumagamit ng panghalip na “Ako”
unang panauhan
Pakikipag-usap ang daloy ng pagsasalaysay sa paraang kinakausap ng manunulat ang tauhan nakapaloob sa kuwento at gumagamit ng panghalip na “ka at ikaw”
ikalawang panauhan
Pagsasalaysay ng isang tao na walang kaugnayan sa tauhan at ang panghalip na ginagamit sa bahaging ito ay “Siya”.
ikatlong panauhan
Pagpapahayag sa orihinal na dayalogo ng isang tao
tuwiran
Ang nahalaw na pahayag ay isinasalaysay at hindi na humagamit ng panipi
di-tuwiran
Gumaganap sa kuwentong isinasalaysay maaaring ito ay pangunahin o katunggaling tauhan
tauhan
Isinasalaysay sa bahaging ito ang lugar at panahon
tagpuan
Daloy ng pagsasalaysay na nakaayos sa paraan ng panimula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas
banghay
Tinatawag na pinagtutuunang ideya sa pagsasalaysay
paksa
Ang isang mahusay na pagsasalaysay ay gumagamit ng malinaw at walang pagbabagong pananaw