Pagbasa... & Pananaliksik

Cards (132)

  • Kahulugan ng Pagbasa: Ang Pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
  • Katangian ng Pagbasa: Ayon kay Block at Pressley (2001), Harvey at Goudvis (2000), ang pagbasa ay isang katangian ng pagkilala sa mga sagisag, titik o mga simbolong naka-imprinta.
  • Ang isang mahusay na mambabasa ay ginagamit ang mga sumusunod na mga katangian;
    1. Iniuugnay ang sarili sa binabasa.
    2. Binabasang masusi ang mga mahahalagang mga detalye.
    3. Nakabubuo ng mga katanungan ayon sa tekstong binasa.
    4. Nagbabasa ng mga iba't ibang uri ng babasahin.
    5. Iniintindi ang tekstong binabasa.
    6. Malugod na binabasa ang isang teksto.
  • Para maging epektibong mambabasa, dapat mayroong pagsasama sa pagbasa. Sa panahon ngayon, hindi lamang ang mga bata ang naglalaman ng mga bagay tungkol sa pagbasa. Kaya naman, ang mga magulang, guro, at mga kaibigan din ay dapat tumutulong para matuto ang mga batang ito.
  • Proseso ng Pagbasa: Ayon sa “Ama ng Pagbasa” na si William S. Gray, may apat na proseso ang pagbabasa.
  • Ayon sa “Ama ng Pagbasa” na si William S. Gray, may apat na proseso ang pagbabasa.

    apat na proseso ang pagbabasa:!
    1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
    2. Komprehensyon - •pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
    3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
    4. Asimilisasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.
  • ISKANING
    Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at subtitles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan-pansin. Pinagtutuunan lang ng ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto at iba pa.
  • ISKIMING
    Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
  • INTERPRETING
    Nakakatulong ito upang unawain ang mga detalye, masabi ang kaibhan ng pangunahain at sekundaryang ideya, malaman ang lahat tungkol sa teksto; ang rason ng pagkakasulat nito, ang mga functional na salitang ginamit at iba pang bokabularyo.
  • PREDIKTING
    Nakatulong ito upang magamit ng mambabasa ang mga klu o pananda. Nahihinuha niya ang maaaring kalalabasan ng binabasa.
  • Matalinhagang Salita : Ang bahagi ng wikang ito ay may malalim na mga kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita.
  • Mahirap unawain at intindihin ang isinasaad ng mga matalinhagang salita.
    Ngunit sa kabila nito ay nagbibigay ito ng interes at misteryo upang mas unawain pa at pilit na alamin ang ibig ipahiwatig ng mga may akda. Sa gawing ito ay mas
    natutuunang pansin natin ang pagkakaroon ng mahabang oras sa pagbabasa.
    halimbawa : sasalitin – isasalaysay, maniig – namihasa duklay – nakalaylay
    linggatongsuliranin magbata – magtiis nunukal – likas
  • Tekstong Impormatibo
    Uri ng babasahing di piksiyon na naglalayong mabigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay
  • Tekstong Impormatibo
    • Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng mayakda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos
    • Hindi nito masasalamin ang pagpabor o pagkontra ng mayakda sa paksa
  • Manunulat ng Tekstong Impormatibo
    May malawak na kaalaman tungkol sa paksa o nagsasagawa ng pananaliksik at pag-aaral dito
  • Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet. Dahil sa mga katangiang ito ng tekstong impormatibo, laging may nadadagdag na bagong kaalaman ng taong nagbabasa nito
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may-akda
    • Pangunahing Ideya
    • Pantulong sa Kaisipan
    • Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
  • Layunin ng may-akda
    Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya sa tekstong importatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang panyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; at iba pa.
  • Pangunahing Ideya
    Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayad ng manunulat ang mga pangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, ang tekstong importatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
  • Pantulong sa Kaisipan
    Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
  • Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
    Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binasang tekstong importatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod; Paggamit ng mga nakalarawang representasyon, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto, at pagsulat ng mga talasanggunian.
  • Tekstong Impormatibo
    Ang pangunahing layunin ay makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda
  • Uri ng Tekstong Impormatibo
    • Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
    • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
    Inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon
  • Pag-uulat pang-impormasyon
    Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin ang pangyayari sa paligid
  • Pagpapaliwanag
    Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari
  • Sanhi at Bunga:
    Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ay nasa estrukturang Sanhi at Bunga, Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan ng pangyayari. Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat: tulad ng dahil, kung kaya, kasi, sapagkat, kung, kapag at iba pang pananda.
  • Kapag nauuna ang sanhi:

    1. Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).
    2. Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi) kaya naman nalalason na ang ating kapaligiran (bunga).
    3. Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral siyang mabuti (sanhi).
    4. Labis na pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumisipsip sa mga tubig ulan kaya nagkakaroon nng labis na pagbaha (bunga).
  • Kapag nauuna ang bunga:

    1. Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa walang displinang pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi).
    2. Lumubog sa baha ang bayan ng Marikina(bunga) dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa katungkulan (sanhi).
    3. Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral siyang mabuti (sanhi).
    4. Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaramdam ang isang lalaki (bunga) dahil iniwan siya ng kanyang asawa (sanhi).
  • Tekstong Deskriptibo:
    Hindi maaaring walang bahagi kung saan inilalarawan natin ang isang tao , bagay o pangyayari. Ito ang dahilan kung bakit naisusulat ang tekstong deskriptibo. Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa mga katangian.
  • Tekstong Deskriptibo: Isang mabisang paraan ng paggamit ng mga tekstong deskriptibo ay ang pagtaya sa impresyon ng isang tao o nadarama nito. Maaari rin namang pairalin ang pang-amoy, panlasa, pandinig, pansalat, o maging ang kabuoang karanasan ng isang tao sa isang pangyayari. Karaniwan ding tumutugon ito sa tanong na ‘ano.’
  • Layunin at Kahalagahan ng Tekstong Deskriptibo:
    Katulad ng ibang uri ng teksto, mayroong mahalagang layunin ang tekstong deskriptibo para sa mga manunulat at mababasa. Ito ay ang iparating ang katangian ng isang tao, bagay, hayop, pangyayari,o lugar. Ang pagkilala sa katangian ng mga ito ay nakatutulong upang mas matandaan ang mga ito. Mahalaga ring pag-aralan at mabasa ang mga tekstong deskriptibo sapagkat malaking bahagi ng ating pag-unawa sa kapwa ay pag-alam sa mga katangian nito. Kapag nalaman o natukoy ang katangian, magbubunga ito ng mas malawak na pang-unawa sa iba.
  • Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo:
    Nahahati sa tatlong uri ang mga tekstong deskriptibo ayon sa ginagamit at sinusunod na paraan ng pagbibigay katangian sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
    1. Deskripsyong Teknikal - Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian. Halimbawa: ▪ Isang piraso na lamang ng tsokolate ang laman ng puting kahong ibinigay ni Valentino kay Marina. ▪ Si Aling Martha ay ang babaeng ginintuan ang buhok at may karinderya sa kanto ng Balot, Tondo. ▪ Inaaalam ni Marcie, ang batang mula sa ikalabing-isang baitang na lumahok sa patimpalak sa Talumpating Handa.
  • 2. Deskripsyong Karaniwan - Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at maraming tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian.
    Halimbawa:
    ● Si Melissa ay mabilog ang pangangatawan.
    ● Ang kalye ng Divisoria ay dating masikip, madumi at masangsang ang amoy.
    ● May nagtanong sa kaniya na maputing babae ma may hawak na baston.
  • 3. Deskripsyong Impresyonistiko - Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw, opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapwa at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil 9 ito subhektibong pananaw lamang.
    Halimbawa:
    ● Namamalditahan ako sa anak na panganay ni Aling Nena dahil ramdam kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti sa atin.
    ● Minamalas ang mga taong iyan dahil hindi sila marunong magbigay ng biyaya sa kanilang kapwa at madadamot sila.
  • Pagsulat ng paglalarawan
    Maaari ring subhetibo o obhetibo
  • Subhetibo
    Ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa
  • Obhetibo
    Ang paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga tauhan sa maikling kuwento
  • Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga tauhan kaya't ang lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa kanyang imahinasyon