Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. Ipinapakita ang mga impormasyon sa "Chronological" na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa mambabasa para maisagawa ng maayos.
Tekstong Prosidyural
Recipe sa pagluluto
Paggawa ng eksperimento sa agham at medisina
Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya
Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro
Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
Manwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang sa pagsasagawa ng iba't ibang bagay
Layunin ng Tekstong Prosidyural
Makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga Gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.
Apat na Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Layunin o Target na Awtput
Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
Layunin o Target na Awtput
Kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang ng trabaho.
Kagamitan
Nakapaloob dito ang mga kasangkapan o kagamitang kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan pagkakasunod-sunod kung kalian ito gagamitin.
Metodo
Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
Ebalwasyon
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaring sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina.
Mahalagang maging tiyak ang gamit ng wika at kung paanong gagamitin ito sa sa kabuuang estruktura upang makamit ang mga layunin.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang makikinig o magbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung paano ito isusulat.
Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang mas maging malinaw ang pagpapahayag ng mga instruksiyon.
Mga Katangian ng Wikang Madalas Gamitin sa Tekstong Prosidyural
Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
Gumamit ng mga tiyak pandiwa para sa instruksiyon
Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon (hugis, laki, kulay, at dami)