Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita, ay may malaking impluwensya ito upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama