Fpl again

Cards (14)

  • Malikhaing Pagsulat -layuning
    maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at
    makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
    mambabasa. Uri ng pagsulat sa larangan ng
    literatura.
  • Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)-
    Layuning pag-aralan ang isang proyekto o bumuo
    ng pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
    problema. Epesyalisadong uri ng pagsulat,
    nakatuon sa isang espesipikong audience.
  • Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)-
    nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Itinuturo rin
    bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon.
  • Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)-
    Pampamamahayag na kadalasang ginagawa ng
    mga mamahayag o journalist.
  • Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing)-
    Layuning bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
    kaalaman sa paggawa ng konseptong papel, tesis,
    at disertasyon, irekomenda sa iba ang mga
    sangguniang maaaring mapagkunan ng kaalaman.
    Makikita sa huling bahagi ng pananaliksik.
  • Reperensyal na Pagsulat (Referential Writing)-
    Layuning bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
    kaalaman sa paggawa ng konseptong papel, tesis,
    at disertasyon, irekomenda sa iba ang mga
    sangguniang maaaring mapagkunan ng kaalaman.
    Makikita sa huling bahagi ng pananaliksik.
  • Akademikong Pagsulat (Academic Writing) -
    Ito ay maaaring kritikal na sanaysay, Itinuturing
    din itong isang intelektwal na pagsulat dahil
    layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
    kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
  • Mapanghikayat na Layunin- layunin na
    mahikayat ang mambabasa na maniwala sa
    kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
    Pumipili ng isang sagot sa kanyang tanong,
    sinusuportahan iyon ng mga katwiran at
    ebidensya at tinatangkang baguhin ang pananaw
    ng mambabasa
  • Mapanuring Layunin- Tinatawag na analitikal
    na layunin ay ipaliwanag at suriin mga posibleng
    sagot sa isang tanong. Iniimbestigahan ang mga
    bunga o epekto at sinusuri ang kabisaan,
    Inaalam ang mga paraan ng paglutas ng
    suliranin. Pinaguugnay-ugnay ang iba’t ibang
    ideya at inaalisa ang argumento ng iba.
  • Impormatibong Layunin- Ipinapaliwanag ang
    mga posibleng sagot sa isang tanong upang
    magbigay ng bagong impormasyon hinggil sa
    paksa. Hindi pinupwersa ng manunulat ang
    kanyang sariling pananaw manapa’y kanyang
    pinalalawak lamang ang kanilang pananaw
  • GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
    1. Lumilinang ng kahusayan sa wika- nalilinang
    ang kakayahang komunikatibo. Sa aplikasyon ng
    kaalaman sa gramatika at sintaktita sa mga
    gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang
    linggwistik at pragmatic. Sa pag-oorganisa,
    nalilinang ang kakayahang diskorsal.
  • Gamit ng akademikong pagsulat
    Lumilinang ng mapanuring pag-iisip- isang
    proseso, kaysa bilang isang awtput. Maaaring
    kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
    pagpapasya at mental
  • Gamit ng akademikong pagsulat
    Lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao- tungkulin ng edukasyon ang linangin ang mga
    kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat
    mag-aaral.
  • Gamit ng akademikong pagsulat
    Paghahanda sa propesyon- paghahanda sa
    mga mag-aaral sa mga higit na mapanghamong
    gawain sa kolehiyo. Higit na prospektibo ang
    layunin ng akademikong pagsulat sa SHS.