ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itnatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
gender identity
kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siyaý pinanganak
sexual orientation
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
heterosexual
mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
homosexual
mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha
bisexual
sila ang mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian
lesbian
sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
gay
mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki
asexual
mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian
transgender
kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma
gender role
ito ay tumutukoy sa papel na ginagampanan ng kasarian sa lipunan
binukot
mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga.
babaylan
isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon.
diskriminasyon
Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
ellen degeneres
Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice Pempengco.
tim cook
Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products.
Charo Santos-Concho
siya ang naging Presidente at CEO ABS-CBN corporation noong 2008-2015
danton remoto
Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
Marilyn Hewson
chair, presidente at CEO ng Lockheed Martin Corpotation na kilala sa paggawa ng mga armas, pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya
Charice Pempengco
Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na "the talented girl in the world."
Joel Cruz
isang kilalang entrepreneur na nagmamay-ari ng Afficionado
corazon aquino
unang babaeng pangulo ng Pilipinas.
anderson cooper
isang mamahayag at tinawag ng New York Time na "the most prominent open gay on American Television"
parker gundersen
Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
geraldine roman
Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso.
karahasan sa kababaihan
tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
foot binding
Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
breast ironing
Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
female genital mutilation
ang ritwal ng pagtanggal ng labas na bahagi ng ari ng babae
sati/suttee
ang pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay
GABRIELA
isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba't ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.