naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon.
sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw.
sinasagot ang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Tekstong Impormatib
Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto.
Halimbawa ng Tekstong Impormatib
Diksyunaryo
Ensayklopedya
Almanac
Pamanahong papel o pananaliksik
siyentipikong ulat
balita sa bahayagan
Katangian ng Mahusay na Tekstong Impormatibo:
Kalinawan - Dapat na isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay magbubunga ng 'di pagkakaunawaan.
Katiyakan - matatamo ito kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
Diin - ito ay may diin kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa.
Kaugnayan - dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkop ng pangungusap at talata.
Bahagi ng Tekstong Impormatib
Simula - basehan kung itutuloy ba ng bumabasa ang pagbabasa ng isang katha.
Katawan o Pinakagitna - dito ay natitipon ang lahat ng ibig na sabihin ng sumusulat. Dapat na mayrong kaugnayan at kaisahan.
Wakas - dito nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa.