ito ay naglalayong magkuwento o magsalaysay habang nagbibigay-aliw o libang sa mambabasa.
tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon
Bahagi ng Tekstong Naratib
Eksposisyon - impormasyon tungkol sa tauhan at tagpuan.
Komplikasyon o kadena ng kaganapan - ito ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksyon, rurok, at pababang aksyon.
Resulusyon o denouement - dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin