Mga gastusin ng pamahalaan upang masigurado na maayos na napaglilingkuran ang mga mamamayan, nahahati sa Personnel Services at Maintenance and Other Operating Expenses
Mas kilala sa tawag na "pork barrel", isang lump sum ng badyet na isinasama sa pambansang badyet taon-taon, ibinibigay sa opisina ng mga senador at kongresista at gagastusin ayon sa kanilang pagpapasya
Mas kilala sa tawag na "pork barrel". Isang lump sum ng badyet na isinasama sa pambansang badyet taon-taon. Ang salaping ito ay ibinibigay sa opisina ng mga senador at mga kongresista at gagastusin ayon sa kanilang pagpapasya. SENADOR - 200 milyon pesos. KONGRESISTA - 70 milyon pesos.
Nagkakaroon ng pagbubukas at pagsasagawa ng plano patungkol sa badyet para sa susunod na taon, kung saan ilulunsad ng DBM ang mga priyoridad na proyekto at programa. Kadalasang isinasagawa ito tuwing Enero ng nakaraang taon para sa badyet ng susunod na taon.
Hinahayaan ng ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng pakikilahok ang mga mamamayan sa pagtalakay ng priyoridad ng badyet. Kadalasang tumatagal mula Enero hanggang Marso ang bahaging ito para sa badyet ng susunod na taon.
Nagpapasa ang mga ahensiya ng pamahalaan ng kanilang hain na badyet para sa susunod na taon. Pinagsasama-sama ito ng DBM upang maayos ang mga magkakaparehas na programa at proyekto upang maiwasan ang double financing ng parehas na gawain.
Nagsasagawa ng pagsisiyasat at pagdinig upang mapanindigan ng mga ahensiya ang kanilang mga proyekto at programa. Kung maaprubahan, maisasama ito sa mungkahing pambansang badyet na siya nang ibibigay sa kongreso. Kadalasang isinasagawa ito tuwing hunyo ng kasalukuyang taon para sa badyet ng susunod na taon.
Ipinapasa sa tanggapan ng pangulo ang badyet upang mapag-aralan at maprubahan ang mga proyekto at programa. Kadalasan namang ipinapasa ng pangulo ang badyet sa kongreso matapos ang talumpating State of the Nation Address (SONA) tuwing Hulyo ng kasalukuyang taon para sa badyet ng susunod na taon.
Nagsasagawa ng pandinig ang kongreso upang maaprubahan ang badyet na ipinasa ng DBM at tanggapan ng pangulo. Ang pandinig na ito ay magkakahiwalay na isinasagawa ng Mababang kapuluan at ng Senado. Kung makapasa ang badyet, ito ay tatatawaging General Appropriations Act (GAA). Kadalasang naisasagawa ang pandinig tuwing Agosto hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon para sa badyet ng susunod na taon.
Ang naaprubahang GAA ay ibabalik sa tanggapan ng pangulo upang mapirmahan at maging batas. Ang badyet ay kadalasang naisasabatas tuwing Disyembre ng kasalukuyang taon para sa badyet ng susunod na taon.