cn 5

Cards (25)

  • Patakarang Pananalapi
    Ang patakaran ng pamahalaan na tumutukoy sa sirkulasyon ng salapi sa bansa
  • Ang salaping nasa sirkulasyon ay ang lahat ng salapi na maaaring gamitin ng pamahalaan, mga mamamayan, at mga negosyo sa pakikipagkalakalan ng mga produkto at serbisyo
  • Legal Tender
    Tanging salapi na pinananagutan ng pamahalaan batay sa palitang tinatanggap nito
  • Salapi
    Daluyan ng pagpapalitan (medium of exchange) na ginagamit sa isang bansa
  • Salapi
    Pamantayan ng halaga ng mga produkto (unit of account)
  • Salapi

    May kakayahan bilang storage of value
  • Kinakailangan palitan ang salapi sa halaga na katumbas ng salaping gamit sa bansang pupuntahan sa pamamagitan ng mga FOREIGN EXCHANGE FACILITIES
  • Commodity Standard
    Pamantayan ng salapi na mayroong katumbas na yaman tulad ng ginto o pilak
  • Fiat Standard o Fiat Money
    Pamantayan ng salapi na itinakdang legal tender ng isang bansa, walang ginto o pilak na katumbas ang salapi, bagkus ang katumbas nito ay ang pangako ng pamahalaan na mababayaran ang mga hawak
  • Ang halaga ng fiat money ay katumbas ng halaga ng suplay at demand sa mga produkto
  • Kung mawalan ng kontrol ang pamilihan sa demand at suplay, mawawala rin ang katatagan ng fiat money
  • Layunin ng BSP ang pagpapababa sa implasyon upang masigurado ang katatagan ng salapi at patuloy ng paglago ng ekonomiya
  • Open Market Operations
    Unang patakarang pananalapi ng BSP, pagbili at pagbenta ng BSP ng government bonds at securities upang mabawasan o madagdagan ang pagkontrol ng suplay ng salapi sa pamilihan
  • Open Market Purchase
    Bumibili ng BSP ng securities, kaya tumataas ang suplay ng salapi sa pamilhan
  • Open Market Sale
    Ibinebenta ng BSP ang government securities
  • Ang pangunahing layunin ng mga patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay masigurado ang katatagan ng salapi at patuloy na paglago ng ekonomiya
  • Fiat money
    Nakabatay sa kumpidensiya ng tao sa pamahalaan. Nagmumula sa pangako ng pamahalaan na pananagutan ang lahat ng pagkakautang. Kung hindi ito matutugunan ng pamahalaan, maaaring bumagsak ang salapi ng bansa
  • Mga patakaran ng BSP
    1. Open market operations - Pagbili at pagbenta ng BSP ng government bonds at securities upang mabawasan o madagdagan ang pagkontrol ng suplay ng salapi sa pamilihan
    2. Interest rate at discount rate - Tumutukoy sa bahagi o proporsiyon na idinaragdag sa utang bilang singilin ng pamahalaan. Pinakamababang interes na sinisingil ng pamahalaan
    3. Reserve requirements - Halaga ng salapi na dapat mayroon ang isang bangko bilang "reserve" o salaping itinabi base sa porsiyento ng mga deposito sa bangko. Kinakailangan muna ng pag-sang-ayon ng BSP bago ito magamit ng mga bangko sa withdrawals ng kanilang mga kliyente
  • Ang reserve requirements ay mahalagang palatandaan ng kasiglahan ng ekonomiya. Upang makontrol ang suplay ng salapi sa pamilihan
  • Ang mga reserve requirements ng mga bangkong komersyal at unibersal ay 20 porsiyento ng lahat ng mga asset ng bangko; 0 porsiyento para sa mga THRIFT o SAVINGS BANK, at 5 porsiyento para sa mga bangkong rural
  • Money laundering
    Isang krimen na may kaugnayan sa mga salaping nakuha mula sa mga illegal na paraan, tulad ng pagbebenta ng droga, kidnapping, pagnanakaw, extortion, carnapping, at iba pang krimen na may kinalaman ng salapi
  • RA No. 10167 o mas kilala bilang pinalawak na Anti-Money Laundering Act of 2001, ay nagtatakda ng sakop na Gawain ng money laundering, at mga kaparusahan maaaring ipataw sa mga gumagawa nito. Binuo ng batas na ito ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang magsiyasat ng mga Gawain na maaaring humantong sa money laundering
  • Easy money policy
    Pinapayagan ng BSP ang mabilisan at mataas na pagdaloy ng suplay ng pera sa pamilihan. Hinahayaan ng BSP na makakuha ng maraming salapi ang mga mamamayan upang mayroon silang kakayahan na palagihin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbili ng mga produkto at serbisyo sa loob ng pamilihan. Ngunit ang matagalang easy money policy ay magdudulot ng mataas na antas na implasyon
  • Tight money policy
    Kinokontrol ng BSP ang kakayahan ng mga mamimili na magkaroon ng sobrang salapi. Ginagamit ito sa pamamagitan ng paghihigpit ng mga patakaran ng open market operations, discount o antas ng interes at reserve requirements. Ngunit matagalang tight money policy ay magdudulot sa pagbagsak ng ekonomiya
  • Upang masigurado ang matatag na ekonomiya, kinakailangan mayroong maayos na kondisyon ang patakarang piskal at patakarang pananalapi