•Maaaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa, at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa, kung kaya sa anumang pagsulat na maaaring mabasa ng iba ay mahalagang taglay nito ang nararapat na katangian.