cn 6

Cards (36)

  • Ang sektor ng pananalapi ay pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas
  • Ang sektor ng pananalapi ay pangunahing tagapagpatupad ng mga patakarang pananalapi ng bansa
  • Ang sektor ng pananalapi ay kinabibilangan ng ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong kompanya
  • Mga bangko
    Mga institusyong pananalapi na nabigyan ng karapatan na tumanggap ng mga deposito ng mga mamamayan upang iatago at pangalagaan
  • Mga bangko
    • Pinapalago nila ang salaping deposito sa pamamagitan ng paggamit nito bilang puhunan sa ibang negosyo
    • Ang interes ng mga ipinuhunang salapi ay nagsisilbing kita ng bangko
    • Nagkakaroon ng iba't ibang transaksyon tulad ng withdrawal, credit card, debit card, pagbebenta ng insurance, pagpapalit ng dayuhang salapi, pamamahala sa kayamanan at pagbibigay payo sa stock market
  • Uri ng mga bangko
    • Bangkong komersiyal o unibersal
    • Thrift bank o savings bank
    • Bangkong rural
  • Bangkong komersiyal o unibersal
    • Pinakamalalaking bangko sa Pilipinas
    • Malaki ang bilang ng mga account deposits ng mga mamamayan
    • Malaki ang laki ng assets o pagmamay-aring yaman tulad ng salapi, pinuhunang negosyo at iba pa
    • Mataas ang halaga ng reserve requirements
    • Maaaring magsagawa ng lahat ng transaksyon ng isang bangko
    • Matatag ang kanilang panloob na sistema
    • Maaaring makayanan saluhin ang mga biglaang pagbabago o financial shocks
  • Thrift bank o savings bank
    • Layunin na paigtingin ang pag-iimpok ng mga nagdeposito
    • Nagpapautang sa iba't-ibang negosyo tulad ng agrikultura, industriya, at small-medium enterprises
    • Limitado lamang ang kakayahan tulad ng pagtanggap ng deposito, withdrawal at pagpapautang
    • Hindi masyadong malaki ang kapasidad ng assets
  • Bangkong rural
    • Pinakamaliliit na uri ng bangko
    • Kadalasang nakikita sa mga probinsiya
    • Hindi nagsasagawa ng malawakang transaksyon
    • Sakop lamang ay isang maliit na munisipyo o lungsod
    • Layunin ng mga bangkong rural ay matulungan ang mga mamamayan sa sektor ng agrikultura
  • Mga bangko ng pamahalaan
    • Landbank
    • Development Bank of the Philippines o DBP
    • Al-Amanah Islamic Bank
  • Landbank
    • Matulungan ang mga magsasaka sa mga pangunahing pangangailangan sa pagsasaka, irigasyon, at iba pa
    • Pangunahing bangko sa pagpapasuweldo ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan
  • Development Bank of the Philippines o DBP
    • Layunin na magpagtibay ang industriya ng small and medium enterprises upang mapalago ang mga negosyo ng mga ordinaryong Pilipino
    • Mapaunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapautang, pagpapalago ng kapasidad ng mga negosyante at pagsasagawa ng pangmatagalang plano ng kaunlaran
  • Al-Amanah Islamic Bank
    • Mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipinong Muslim
    • Nagpapautang at nagpapamuhunan sa mga negosyo upang matulungan ang mga Muslim sa bansa
    • Makikita sa mga lalawigan at lungsod sa Mindanao na may mataas na populasyon ng mga Muslim
  • Mga institusyong hindi bangko
    • Kooperatiba
    • Sanglaan
    • Insurance companies
    • Pre-need companies
    • Foreign exchange facilities
    • Pension funds
  • Kooperatiba
    • Isang samahan na may layunin na matulungan ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng pagtatag ng mga negosyo kung saan maaaring paghati-hatian ng mga miyembro ang kita
    • Ang dibidendo ay kitang inaasahan na pinaghatian mula sa mga negosyo
  • Sanglaan
    • Isang negosyo na maaaring makapagbigay ng panandaliang lunas sa suliraning pampinansiyal ng mga mamamayan
    • Tumatanggap ng mga kagamitan bilang kolateral na kapalit ng pag-utang ng salapi
  • Insurance companies
    • Nagbibigay ng paniniguro sa mga mamamayan o kliyente ng kabayaran kung mayroong mangyaring hindi inaasahan tulad ng pagkakasakit, pagkamatay, at pagkasira o pagkawala ng mga ari-arian
  • Pre-need companies
    • Mga kompanya na pinapayagang magbenta ng mga produktong pananalapi na nakabatay sa nauna nang nailathalang pag-aanunsiyo ng kompanya
    • Ang pre-need ay isang produkto kung ito ay babayaran sa kasalukuyan ngunit magagamit pa sa kinabukasan tulad ng college education fund, life plan, education plan, at interment plan
  • Foreign exchange facilities
    • Layunin na mapalitan ang dayuhang salapi sa piso, bilang legal tender sa Pilipinas
    • Rehistradong tagapalit ng salapi ng BSP, bilang tagapamagitan sa BSP at mga mamamayan
  • Kontrata
    Napagkasunduan sa pagitan ng kliyente at kompanya
  • Pre-need companies
    Mga kompanya na pinapayagang magbenta ng mga produktong pananalapi, na nakabatay sa nauna nang nailathalang pag-aanunsiyo ng kompanya
  • Pre-need
    Produkto na babayaran sa kasalukuyan ngunit magagamit pa sa kinabukasan (COLLEGE EDUCATION, FUND, LIFE PLAN, EDUCATION PLAN, AT INTERMENT PLAN)
  • Kontrata
    Nakaplano ang pagbabayad ng kompanya sa kliyente
  • Foreign exchange facilities
    Layunin na mapalitan ang dayuhang salapi sa piso, bilang legal tender sa Pilipinas
  • FOREX facilities
    Rehistradong tagapalit ng salapi ng BSP, bilang tagapamagitan sa BSP at mga mamamayan
  • Dayuhang salapi na maaaring ipalit sa piso
    • U.S dollar
    • Japanese yen
  • Pension funds
    Pampublikong ponding nakalaan para sa pagreretiro ng isang manggagawa
  • Tatlong kompanyang maaaring humawak ng pondong pensiyon ng mga manggagawa
    • SSS
    • GSIS
    • PAG-IBIG FUND
  • SSS
    Itinatag sa pamamagitan ng RA NO. 1161 o THE SOCIAL SECURITY ACT OF 1954, naamyendahan ng RA NO. 8282. Ito ay isang GOCC nangangasiwa sa ponding pensiyon ng mga mangagawa sa pribadong sektor
  • GSIS
    Itinatag sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 186, na naamyendahan ng RA No. 8291 o Government Service Insurance System Act of 1997. Ang GSIS ay isang GOCC na nangangasiwa sa ponding pensiyon ng mga manggagawa ng pamahalaan
  • PAG-IBIG FUND
    Itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1530. Ito ay isang GOCC na nangangasiwa sa suliraning pabahay. Dalawang layunin: Upang maging impok na pondo ng mga miyembro at Upang makapagbigay ng murang pabahay
  • Institusyong gumagabay sa sektor ng pananalapi
    • BSP
    • INSURANCE COMMISSION o IC (Komisyon sa Seguro)
    • PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORPORATION o PDIC (Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito)
    • SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION o SEC (Komisyon sa mga Panagot at Palitan)
  • BSP
    Itinatag sa pamamagitan ng RA No. 7653 na mas kilala bilang The BSP Charter. Ang BSP ang pangunahing institusyong pananalapi ng bansa. Bangkero ng Pamahalaan. Layunin: Paggabay sa lahat ng ahensiya at mga kompanya na bahagi ng sektor ng pananalapi, Pagpapanatili ng presyo ng mga produkto, Pagsiguro sa integridad ng piso bilang salapi ng bansa, Pangangalaga sa mga bangko at hindi bangkong institusyong pananalapi sa bansa
  • INSURANCE COMMISSION o IC (Komisyon sa Seguro)

    Itinatag sa ilalim ng Presidential Decree No. 63. Itinatag upang mapamahalaan at mapangasiwaan ang lahat ng insurance company sa bansa. Layunin: Siguraduhing matatag ang pananalapi ng mga insurance company upang maibigay ng mga ito nang patas ang insurance ng mga kliyenteng bumibili ng kanilang mga produkto
  • PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORPORATION O PDIC (Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito)

    Itinatag sa pamamagitan ng RA No. 3591, naamyendahan ang RA No. 9302. Layunin: Siguraduhing mababawi ng mga nagdeposito ang perang deposito sa mga bangko sa oras na magsara o malugi ang kanilang bangko. Sinisigurado na ligtas ang deposito at matatag ang kakayahan ng pananalapi ng mga bangko. May kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon ang PDIC sa mga naluging bangko
  • SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION o SEC (Komisyon sa mga Panagot at Palitan)

    Itinatag sa pamamagitan ng Commonwealth Act No.83, mas kilala bilang Securities Act. Layunin: Pangasiwaan at pangalagaan ang lahat ng rehistradong negosyo. Maaari din itong imbestigahan ang mga negosyo na maaaring lumalabag sa mga batas at regulasyon ng bansa