Talumpati

Cards (9)

  • Sino ang nagsalin ng talumpati ni Nelson Mandela
    Roselyn T. Salum
  • isang halimbawa ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko.
    Talumpati
  • Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na nagpapahayag ng sariling kaisipan, kurokuro, saloobin at damdaming kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ginagamit ito upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang mahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa na maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
  • Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay”. Isinilang ang sanaysay sa Pransiya noong 1580 at si Michel de Montaigne ang tinaguriang, “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinatawag na essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
  • mga maiikling komposisyong may tiyak na paksa o tema, karaniwang nasa prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o opinyon ng may-akda
    Likhang Sanaysay
  • tumutukoy sa proseso ng pagsusuri o pagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangiang magkaugnay o magkatumbas.
    Analohiya
  • ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalapit ang kahulugan.
    Magkasingkahulugan
  • ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan.
    Magkasalungat
  • ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang kahulugan.
    Magkasalungat