Noong unang panahon, may tatlong makapangyarihang diyos na nananahan sa sanlibutan. Ito ay sina Bathala, ang tagapangalaga ng mga lupain; si Ulilang Kaluluwa, isang malaking ahas na tumitira sa kaulapan; at si Galang Kaluluwa, isang espiritu na walang tiyak na tirahan at mahilig lamang na magpunta kung saan-saan.