persuweysib

Cards (20)

  • Tekstong persuweysib
    Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad
  • Tekstong persuweysib
    • May subjektibong tono
    • Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
    • Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking
  • Elemento ng panghihikayat ayon kay Aristotle
    • Ethos (Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita)
    • Logos (Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/Tagapagsalita)
    • Pathos (Emosyon ng mambabasa/Tagapakinig)
  • Ethos
    Salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang "Imahe". Ginamit ni Aristotle upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig.
  • Logos
    Salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
  • Pathos

    Elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. Hindi kadalasang nakikita ng tao na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.
  • Name-Calling
    Pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
  • Name-Calling
    • Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
  • Glittering Generalities
    Magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
  • Glittering Generalities
    • Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
  • Transfer
    Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
  • Transfer
    • Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
  • Testimonial
    Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto.
  • Testimonial
    • Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
  • Plain Folks
    Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
  • Plain Folks
    • Ang kandidato tuwing eleksiyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
  • Card Stacking
    Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
  • Card Stacking
    • Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
  • Bandwagon
    Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
  • Bandwagon
    • Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.