impormatibo

Cards (15)

  • Tekstong Impormatibo
    Isang uri ng babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa
  • Hindi ito nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
  • Saan ba natin madalas makikita ang mga TEKSTONG IMPORMATIBO?
    • Pahayagan o balita
    • Magasin
    • Aklatan
    • Ensiklopedya
    • Websites sa Internet
  • IBA PANG KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO

    • Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon
    • Nagbibigay ito ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay
    • Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan
  • MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    • Layunin ng May-akda
    • Pangunahing Ideya
    • Pantulong na Kaisipan
    • Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
  • Layunin ng May-Akda

    Maaaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay
  • Pangunahing Ideya
    Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
  • Pantulong na Kaisipan
    Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila
  • Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
    • Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
    • Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
    • Pagsulat ng mga Talasanggunian
  • Ano ang iba't ibang uri ng ekstong Impormatibo? Isa-isahin at ipaliwanag.
  • Mga Gabay na Tanong
    • Sa iyong palagay, ano ang layunin ng may-akda sa pagkakasulat ng teksto?
    • Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
    • Ano-ano ang mga pantulong na kaisipan ang ginamit sa teksto?
    • Ano-anong mga estilo ang ginamit ng may-akda sa teksto?
    • Sa iyong palagay, anong uri ng teksto ang iyong nabasa at nasuri? Ipaliwanag.
  • URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    • Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
    • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • PERFORMANCE TASK NO. 1
  • Paglikha ng Patalastas Tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan
  • Batayan ng Grado

    • Tumpak ang datos at impormasyong ginamit
    • Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa tungkol sa kalikasan
    • Maayos ang Sistema at mainaw ang paglalahad ng mga bahagi
    • Maikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos