Lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queers, at intersex
Ang LGBTQIA+ Community ay bago sa lipunan
Ang pagkatao ng mga nabibilang sa LGBTQIA+ Community ay matagal nang nabuo at patuloy na nakikipagsapalaran
Ang LGBTQIA+ Community ay patuloy na nakikibaka laban sa diskriminasyon ng mga taong konserbatibo, relihiyoso, at may saradong pag-iisip ukol sa sekswalidad o gender ng isang tao
Same-sex marriage
Legal na pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong kasarian
Sa kabila ng patuloy na pagdedebate tungkol sa same-sex marriage, nagdesisyon na ang ilang bansa na ipagkaloob na ang karapatang ito
Mga bansang nagpapatupad ng same-sex marriage
Malta
Germany
Estados Unidos
Colombia
New Zealand
South Africa
Mexico
Malta
Sa kabila ng malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko sa bansa, halos ang buong pamunuan ng Malta ay bumoto upang pahintulutan ang same-sex marriage
Malta nagpahintulot ng same-sex marriage
2017
Germany
Ang Germany ang naging ika-15 bansa sa Europa na nagpahintulot ng same-sex marriage
Germany nagpahintulot ng same-sex marriage
2017
Estados Unidos
Noong 2004, ang same-sex marriage ay legal lamang sa estado ng Massachusetts. Labing-isang taon ang nakalipas, ginawang legal na ito sa buong bansa
Estados Unidos nagpahintulot ng same-sex marriage
2015
Colombia
Ang Colombia ang ikaapat na Katolikong bansa sa Timog Amerika na nagpahintulot ng same-sex marriage. Ayon sa kanilang pamahalaan, ang lahat ng tao ay may karapatang bumuo ng isang pamilya
Colombia nagpahintulot ng same-sex marriage
2016
New Zealand
Pinahintulutan ng New Zealand ang same-sex marriage matapos ang pagsasalegal ng Civil Union for LGBTs noong 2005. Ang bansa ay nagpahintulot din sa mga ikinasal na LGBTQI na mag-ampon
New Zealand nagpahintulot ng same-sex marriage
2013
South Africa
Dahil sa pagbabago ng konstitusyon ng bansa, pinayagan ng South Africa ang same-sex marriage. Gayunpaman, ang gawaing ito ay nananatiling malaking isyu at itinuturing pa ring maling gawain sa bansa
South Africa nagpahintulot ng same-sex marriage
2006
Mexico
Pinahintulutan ng Korte Suprema ang pagpapakasal ng mga LBGTQI sa Mexico City lamang. Ang same - sex marriage sa ibang bahagi ng bansa ay itinuturing pa ring labag sa batas
Mexico nagpahintulot ng same-sex marriage sa Mexico City
2009
Kagaya ng maraming bansa, maigting ang usapin ng same-sex marriage sa Pilipinas
Bilang isang bansa na maluwag sa pagpapahayag ng pagkatao at pananaw, maraming Pilipino na kabilang sa LGBTQIA+ community ang aktibong lumalaban para sa kanilang karapatan at patuloy na nagsusulong ng mga programa upang lubusan pang makilala at matanggap ng mga kapwa Pilipino ang kanilang komunidad
Simula nang umusbong ang legalisasyon ng same-sex marriage sa iba't ibang bansa, lalo na sa Estados Unidos, nag-alab muli ang isyung ito sa bansa
Sinuri ng mga mambabatas ang posibilidad ng same-sex marriage, at kanilang ipinangakong pag-aaralan ito nang mabuti
Sinabi ni Pangulong Duterte noong Marso 2017 na hindi maaaring isabatas ang same-sex marriage sa Pilipinas dahil ito ay isang Katolikong bansa at may sinusunod na civil code na nagsasabi na ang pagpapakasal ay dapat isagawa sa pagitan lamang ng ibabae at lalaki
Hindi tinanggap ng mga LGBTQIA+ at Human Rights Groups ang pahayag na ito
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kanilang pakikibaka upang makamit ang hinihiling na pantay na karapatan