Reproductive Health Law

Cards (26)

  • Health promotion
    Isang proseso ng pagtulong sa mga tao na tangkilikin at pangalagaan ang kanilang kalusugan
  • Mahalaga ang health promotion upang maiwasan ang pagdami ng mga Pilipinong nagkakasakit
  • Reproductive Health Law
    Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354)
  • Universal access para sa

    • Kontrasepsyon
    • Fertility control
    • Maternal care
    • Sex education
  • Nagsimula ang pagsusulong ng batas
    2011
  • Naisabatas ang batas
    Disyembre 21, 2012
  • Sinuportahan ng maraming senador at kongresista ang proposisyon na ito dahil tunay nga naman na mayroong karapatan ang kababaihan na magdesisyon para sa kani-kanilang katawan
  • Layunin ng Reproductive Health Law
    • Pagbibigay-impormasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya
    • Pagpapalakas ng kapasidad at kalusugan ng mga kabataan
    • Pagtugon sa mga problemang pangkalusugan na may kinalaman sa reproductive tract, HIV/AIDS, at iba pang sexually transmitted diseases
    • Pagpapalakas ng nutrisyon at kalusugan ng mga ina, sanggol, at mga bata
    • Pagtangkilik sa pagpapasuso (breastfeeding)
    • Pag-usig sa karahasan laban sa kababaihan
    • Pagbibigay ng counseling para sa sekswalidad at sekswal at reproductive na kalusugan
    • Pagtugon sa mga uri ng reproductive na kanser at kanser sa suso
    • Pakikilahok ng mga kalalakihan sa mga isyu ng reproductive health
    • Paglutas sa suliranin ng aborsiyon at pagtugon sa mga komplikasyong dala ng aborsiyon
  • Pagtugon sa pagkabaog; at Edukasyong sekswal para sa mga kabataan
  • Kahalagahan ng Reproductive Health Law
    Makatutulong sa pagbabawas ng antas ng kamatayan na may kinalaman sa panganganak at pagbubuntis
  • Nakapipigil ang Reproductive Health Law sa aborsiyon na dala ng unwanted pregnancy
  • Hindi lahat ng babaeng nagbubuntis ay ginusto ang kanilang pagbubuntis
  • Nakatutulong ang batas sa paninigurado na ang sinumang babae ay may pagkakataon na iwasan ang unwanted pregnancy sa pamamagitan ng contraceptives
  • Mga pagtutol sa Reproductive Health Law
    • Isyu ng moralidad
    • Isyu ng relihiyon
  • Ang pagpapalaganap ng sex education ay ipinakakalat nito sa mga bata ang impormasyon tungkol sa sekswalidad at pakikipagtalik sa murang edad pa lamang
  • Ang pagpapalaganap ng kontrasepsyon ay pagpipigil ng buhay na ibinigay ng Diyos
  • Ang katawan ng sinumang tao ay ipinahiram lamang ng Diyos kaya't hindi nito dapat pinipigilan ang anumang pagbubuntis at pagkakaroon ng bagong buhay
  • Mahahalagang probisyon ng Reproductive Health Law
    • Family Planning
    • Maternal Health Services at Neonatal, Infant, Child Health, at Nutrition Services
  • Ang lahat ng pampublikong pasilidad pangkalusugan ay kinakailangang magkaroon ng kapasidad na makapagbigay ng iba't ibang modernong family planning method
  • Ang family planning methods ay dapat ding ipagkaloob ng mga pribadong ospital
  • Ang mga pamahalaang lokal sa Pilipinas ay kinakailangang magtalaga ng mga nars, barangay health worker, doktor, at mga nagpapaanak upang matulungan ang kababaihan na mas madaling makakuha ng serbisyong maternal
  • Kailangang tugunan ito ng lokal na pamahalaan upang matiyak na masusunod ang layunin ng Kagawaran ng Kalusugan na magkaroon ng 1:1 na ratio ng babae at health professional
  • Seksiyon 14 - Age and Development Appropriate Reproductive Health Education
    1. Ang estado ay nagbibigay ng edukasyong sekswal na naaayon sa edad at kapasidad ng mga kabataan
    2. Ang nasabing aralin ay kinakailangang ituro ng mga guro sa mga pormal at impormal na sektor ng edukasyon
    3. Dapat iakma sa mga usapin ng values formation, pang-aabuso, diskriminasyon, pagbubuntis, karahasan, at iba pang mahahalagang paksa ang edukasyong sekswal
  • Seksiyon 12
    Ang lahat ng sakit na may kinalaman sa reproductive health, kagaya ng mga sexually - transmitted infections (STI), HIV/AIDS, at reproductive tract cancers ay maaaring bigyan ng pinakamataas na uri ng benepisyo mula sa PhilHealth
  • Isinusulong ng batas na ito ang hindi pagtanggap sa pagmamaltrato sa kababaihan, lalo na kung dala ng kaniyang kasarian
  • Ang Kagawaran ng Kasulusugan ay nagtalaga ng mga Women and Child Protection Units (WCPUs) na nasa 70 DOH-hospitals, 28 LGU hospitals, at mga municipal health offices