Gender, Sex at Gender Roles

Cards (25)

  • Sex
    Tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
  • Gender
    Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
  • Ang gender ay hindi lamang nahahati sa dalawang kategorya ito ay mayroong iba't ibang uri
  • Sex
    Ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao.
  • Mga katangian ng lalaki
    • May adams apple
    • May bayag/titi at testicles
    • May XY chromosomes
    • May androgen at testosterone
  • Mga katangian ng babae
    • May developed breast
    • May puki at bahay bata
    • May xx chromosomes
    • May estrogen at progesterone
  • Gender
    Isang social contract at nakabatay sa mga salik panlipunan (social factors)
  • Mga salik na nakakaapekto sa gender
    • Mga panlipunang gampanin at tungkulin
    • Kapasidad, intelektual, emosyonal at panlipunang katangian at katayuan
    • Mga kategoryang itinakda ng kultura at lipunan
  • Feminine o masculine
    Depende sa tingin sayo ng lipunan
  • Paano natutunan ang gender
    Natutunan sa pamamagitan ng iba't-ibang social institutions kagaya ng pamilya, eskuelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho
  • Ang gender ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon
  • Ang gender ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan
  • Gender role
    Tungkulin o gampanin base sa kasarian
  • Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan
  • Ayon sa isang artikulo na mula sa Hesperian Health Guides ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki
  • Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila'y babae o lalaki
  • Babae
    • Maghanda ng pagkain
    • Mag-ipon ng tubig at panggatong
    • Mag-alaga sa mga anak at kapartner
  • Lalaki
    • Magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda
    • Magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan
  • Sexual orientation at gender identity (SOGIE)
    Pagkakaiba
  • Ayon sa GALANG at Yogyakarta Principles (2006), ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa
  • Ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya'y ipanganak
  • Oryentasyong seksuwal
    Tumutukoy kung kanino ka naaakit, kung siya ay lalaki o babae o pareho o wala
  • Uri ng oryentasyong seksuwal
    • Heteroseksuwal
    • Homoseksuwal
    • Biseksuwal
  • Gender identity and expression
    Nagsasaad ng identipikasyon o pagkakakilanlan o pagpapahayag sa sarili
  • Uri ng gender identity and expression
    • Heterosexual
    • Homosexual
    • Bisexual
    • Intersex
    • Lesbian
    • Gay
    • Transgender