Kahit sa kasalukuyang lipunan, masigasig pa rin ang pakikibaka para sa pantay na pagtingin sa pagitan ng mga tao kahit anuman ang kanilang kasarian
Marami ang patuloy na naghahangad ng pagkakapantay-pantay sa lipunan, kasama na ang tuluyang pagkawala ng dikriminasyon sa na may kinalaman sa gender at sexuality
Pinapalagay dito na hindi batayan ang kasarian sa pakikiipagkapwa – tao
Saklaw ng yunit na ito
Karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad
Diskriminasyon sa kasarian
Gender roles sa iba't ibang larangan at institusyong panlipunan
Kalagayan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexual at transgender sa iba't ibang bansa at rehiyon
Bawat tao ay may karapatang pumili ng kaniyang seksuwalidad batay sa kaniyang nais at nararamdaman
Madalas na nagkakaroon ng kalituhan sa pagitan ng kasarian o gender at seksuwalidad o sexuality
Kasarian
Ginagamit na katumbas ng seks (sex) bilang biyolohikal na katangian at gender bilang sosyolohikal, sikolohikal, at intelektuwal na konsepto
Intersex
Tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na ipinanganak na may biyolohikal na bahaging pambabae at panlalaki kaya hindi angkop na tawaging babae o lalaki
Gender Identity
Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao bilang isang bababe, lalaki, pareho na babae at lalaki, walang kasarian, o nasa pagitan ng dalawang kasarian
Transgender
Mga taong may naiibang pagkakakilanlan o galaw mula sa kung anuman ang inaasahan sa karamihan sa isang kultura
Gender Expression
Karaniwang galaw o gawi ng tao katulad ng kaniyang pananamit, pananalita, o kilos na nagpapakita ng pagkababae o pagkakalalaki
Sexual Orientation
Tumutukoy sa pakiramdam at atraksiyon ng isang tao sa kaniyang kapwa
Sexual Orientation
Heteroseksuwal
Homoseksuwal
Biseksuwal
Transgender
Nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, kung saan ang kaniyang pag-iisip at pisikal na katawan ay hindi nagtutugma o magkasalungat
Transsexual
May mga taon nais gumamit ng medikal na paraan katulad ng surgery o gamot upang makamit ang nais nilang anyo bilang babae o lalaki
Transsexual
FTM (Female-to-Male)
MTF (Male-to-Female)
Pananaw sa karapatang pumili ng seksuwalidad
Konserbatibo at relihiyoso na tutol
Liberal at ateista na sang-ayon
Kasarian o sex
Tumutukoy sa biyolohikal na pagkakakilanlan ng isang indibiduwal
Pangunahing katangian o primary sex characteristics
Tumutukoy sa panloob at panlabas na ari ng lalaki (penis at testes) at babae (clitoris at ovaries)
Sekondaryang katangian o secondary sex characteristics
Ipinakikita ang mga pagkakaibang hormonal, gaya ng testosterone (lalaki) at estrogen (babae)
Diskriminasyon sa kasarian
Hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian
Gender Equality o Gender Egalitarianism
Tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno
Gender role o gampaning pangkasarian
Ang inaasahan ng isang lipunan na kilos, gawi, katangian, at tungkulin ng mga mamamayan na naaayon sa kanilang kasarian
Gender stereotyping
Nagtatakda ng limitadong kalayaan ng bawat indibiduwal na makisalamuha at magpahayag ng kaniyang saloobin
Gender discrimination
Nagpapakita ng hindi pantay na pagtingin at pakikitungo sa mga taong hindi umaayon sa itinakdang gender roles
Bahagi ng gender role sa iba't ibang larangan at institusyong panlipunan sa Pilipinas