Iba't ibang uri ng talino,riasec,q

Cards (25)

  • VISUAL-SPATIAL INTELLIGENCE
    Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din nilang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang silang makita sa kanilang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto, makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa Matematika.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Artists, Designers, Cartoonists, Architects, Photographers, Sculptors, Town-planners, Visionaries, Inventors, Engineers, Cosmetics at Beauty consultants
  • VERBAL o LINGUISTIC INTELLIGENCE

    Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng mga salita. Kadalasan, ang mga taong may taglay ng talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita o mahahalagang petsa. Mas madali silang matututo kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay rin sila sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Writers, Lawyers, Journalists, Speakers, Trainers, Teachers, Poets, Editors, Linguists, Translators, Media consultants, TV and radio presenters at Voice-over artists
  • LOGICAL-MATHEMATICAL INTELLIGENCE

    Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay na lohika at numero. Ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba pang kaugnay na gawain.

    Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Scientists, Engineers, Computer experts, Accountants, Statisticians, Researchers, Analysts, Traders, Banker o bookmakers, Insurance brokers, Negotiators, Deal-makers at Directors
  • BODILY-KINESTHETIC INTELLIGENCE

    Ang mga taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran. Mas natututo sila sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang katawan. Sa kabuuan, mahusay sila at mataas ang tinatawag na "muscle memory" ng mga taong may ganitong talino.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Dancers, Demonstrators, Actors, Athletes, Divers, Soldiers, Fire-fighters, Ergonomists, Osteopaths, Fishermen, Drivers, Crafts-people; Gardeners, Chefs, Acupuncturists at Adventurers
  • MUSICAL o RHYTHMIC INTELLIGENCE

    Tumutukoy ito sa kakayahang kumilala sa ritmo, tono, tempo, melodiya at pagkilatis sa mga tunog at paglikha o pag-aaral ng mga awitin.

    Ito ang pagiging sensitibo sa di-berbal na tunog gaya ng himig at tono. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Musicians, Singers, Composers, DJ's, Music producers, Piano tuners, Acoustic engineers, Entertainers, Party-planners, Environment and noise advisors at Voice coaches
  • INTRAPERSONAL INTELLIGENCE

    Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Mabilis nilang nauunawaan at natutugunan ang kanilang nararamdaman at motibasyon.

    Malalim ang pagkilala nila sa kanilang angking talento, kakayahan at kahinaan. Sila ay masasabing nasa proseso ng pag-unawa sa sarili, paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, ibang tao at sa komunidad na kanilang ginagalawan.
    Halimbawa ng taong may ganitong talino:

    Karaniwan, ang taong may ganitong talino ay malihim at mahilig mapag-isa o tinatawag na "introvert."
  • NATURALISTIC INTELLIGENCE

    Ito ang pagiging sensitibo sa daigdig na likas, ang kakayahang kumilala at mag-uri sa mga halaman, hayop, mineral at iba pang uri ng mga flora at fauna.

    Nakikita nila ang kaugnayan ng mga bagay sa kalikasan. Kabilang dito ang likas na hilig sa tamang pag-aalaga ng mga hayop at halaman, pag-unawa sa pangangailangan ng mga ito at pagpapahalaga sa mga bagay sa kalikasan bilang kabuuan.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Botanist, Farmers at Environmentalists
  • EXISTENTIAL INTELLIGENCE

    Ito ay tumutukoy sa kakayahang makita ang kabuuan ng isang bagay. Nakikita nila ang kanilang papel sa buhay, sa pamilya, sa paaralan at sa lipunan. Tumutugon ito sa kaugnayan ng mga bagay sa mundo at ang pagsasagawa ng mga ito sa panibagong kaalaman.

    Nadedebelop ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng repleksyon sa talakayan, pag-aanalisa sa mga tungkulin at sa pagkakaroon ng malayang talakayan kung saan ang lahat ay kabilang at aktibong kabahagi.
    Halimbawa ng mga taong may ganitong talino:

    Mga pilosopo, Theorist, Mga pari, Pastor o naninilbihan sa mga simbahan
  • Armstrong, 1994
    Bagama't totoong taglay ng bawat mag-aaral ang lahat ng siyam (9) na Intelligences, maaari pa ring madebelop ito sa mataas na antas ng kompetens. Makikilatis ng guro ang tiyak na kaalamang ito mula pa lamang sa murang edad ng mga mag-aaral.
  • Personality types
    • Realistic
    • Investigative
    • Artistic
    • Social
    • Enterprising
    • Conventional
  • Realistic
    • Enjoys working with animals, tools, or machines
    • Generally avoids social activities such as healing and informing others
    • Skilled when working with tools, mechanical, plants and animals
    • Sees, touches and uses
  • Investigative
    • Enjoys studying and solving maths or science problems
    • Avoids leading, selling, or persuading people
    • Good at understanding and solving science problems
    • Values science
    • Sees self as precise
  • Artistic
    • Enjoys creative activities such as art, drama, crafts, dance, music, creative writing
    • Avoids highly structured or repetitive activities
    • Has good artistic abilities in creative writing
  • Social
    • Enjoys doing things to help people, such as teaching
    • Avoids using machines, tools and animals to get things done
  • Enterprising
    • Enjoys leading, leading and persuading people and selling products and ideas
    • Avoids activities that require careful observation and scientific
    • Good at leading people
    • Sees self as energetic, ambitious and sociable
    • Successful in politics, leadership, or business
  • Conventional
    • Enjoys working with numbers, records or machine in a set, orderly way
    • Avoids ambiguous, unstructured activities
    • Good at working with numbers in a systematic, orderly way
    • Good with working written records and numbers
    • Values success in business
    • Sees self as orderly
  • Most people are one of the six personality types according to Holland's theory
  • NO
    DATE
  • Sukatan
    Tao ng antas sa ibang talino
  • Uri ng talino
    • Intelligence Quotient (IQ)
    • Emotional Quotient (EQ)
    • Adversity Quotient
    • Social Quotient
  • Intelligence Quotient (IQ)
    • Karaniwan at tradisyonal pagsukat sa talino at kakayahan ng isang tao
    • Salungat sa pakikisama sa kabila ng mga paniniwala
  • Emotional Quotient (EQ)
    • Sukatin ang emosyonal na kahusayan
    • Tumatanggap ng mga pagkabigo at karanasan
  • Adversity Quotient
    • Kakayahan ng tao sa harapin at malampasan ang mga mahirap o mapaghamong sitwasyon
    • Gaano katapang sa katiyakan ng mga bagay-bagay kapag nahaharap sa mga hadlang
  • Social Quotient
    • Kakayahang bumuo ng isang pangkat ng mga pamilya at kaibigan at mapanatili ang magaling makipag-ugnayan sa mga di-verbal na paraan
    • Mapagbigay at bukas sa mga taong may mas mataas sa EQ at SQ kaysa sa IQ
  • Mas magpapatuloy sa buhay kesa sa mga may mataas na IQ ngunit mababa ang EQ at SQ