naratibo

Cards (14)

  • Tekstong naratibo
    Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan
  • Layunin ng tekstong naratibo
    • Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari
    • Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliw at saya
    • Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral
  • Mga halimbawa ng tekstong naratibo
    • Maikling kuwento
    • Nobela
    • Kuwentong-bayan
    • Mitolohiya
    • Alamat
    • Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction
  • Elemento ng tekstong naratibo
    • Tauhan
    • Tagpuan at Panahon
    • Banghay
    • Paningin
    • Diyalogo
  • Tauhan
    Ang nagpapakilos sa kuwento upang maging buo ang mga pangyayaring inilahad
  • Uri ng tauhan
    • Pangunahing Tauhan
    • Kasamang Tauhan
    • Katunggaling Tauhan
    • May-akda
  • Tagpuan at Panahon
    Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
  • Banghay
    Maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda
  • Elemento ng Banghay
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Suliranin
    • Papataas na Aksyon
    • Kasukdulan
    • Pababang Pangyayari
    • Wakas
  • Anachrony
    Mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
  • Uri ng anachrony
    • Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas
    • Prolepsis (Flash-forward) - dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap
    • Ellipsis - isang pamaraan ng pagsasalaysay na kung saan tinatanggal ang bahagi ng kwento
  • Paningin
    Tumutukoy sa kung sino ang nagsasalaysay ng kuwento
  • Uri ng paningin
    • Unang panauhan – tumutukoy sa taong nagsasalita
    • Ikalawang panauhan – tumutukoy sa taong kausap
    • Ikatlong panauhan – tumutukoy sa taong pinag-uusapan
  • Diyalogo
    Magiging kawili-wili ang pagsasalaysay kung buhay na kumikilos at nagsasalita ang mga tauhan ng kuwento