Layunin nito ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, TOTOO man o HINDI. Maaaring personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Ito ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring PIKSIYON o DI-PIKSIYON. Kapwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba't ibang imahe, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha.