Isang uri ng depiksiyon na pagsulat upang kombinsihin ang mga mambabasa na sumang- ayon sa manunulat hinggil sa mga isyo
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang kanyang layunin ay manghikayat o mangungumbinsi sa babasa ng teksto
Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
Name Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politico upang hindi tangkilikin.
Glittering Generalities- ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Transfer - Ang pagamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan
Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorse ng isang tao o produkto.
Plain Folks - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas o ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Card stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian
Bandwagon - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na
Ethos - ito ay tumutukoy sa krebidilidad ng isang manunulat.
Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa
Logos - Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.