2

Cards (26)

  • BATAS REPUBLIKA 1425 ay nagtatakda na ang kursong nauukol sa buhay at ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal, lalo na ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay isasama sa lahat ng kurikulum ng bawat paaralang pambayan at pansarili
  • Ang Komisyong Taft (unang komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas) ay nanguna para sa pagpupulong na may 4 hanay ng Pilipino at 4 sa kinatawang Amerikano
  • Bakit si Jose Rizal ang pambansang bayani?
    Isang mamamayang Pilipino na yumao na, may matayog na pagmamahal sa bayan, at may mahinahong damdamin
  • Mga pinagpilian para sa pambansang bayani
    • Marcelo del Pilar
    • Graciano Lopez Jaena
    • Heneral Antonio Luna
    • Emilio Jacinto
    • Jose Rizal
  • Pag-aaral ni Jose Rizal sa Calamba at Biñan
    1. Pagbasa
    2. Pagsulat
    3. Aritmetika
    4. Relihiyon
  • Si Jose Rizal ay tinawag na ilustrado
  • Mga pangunahing guro ni Jose Rizal
    • Teodora Alonzo Realonda (unang guro, pasensiyosa, tapat, at maunawain)
    • Maestro Lucas Padua (ikalawang tutor)
    • Leon Monroy (kaklase ng kanyang ama, nagturo ng Espanyol at Latin)
    • Maestro Celestino (unang tutor)
  • Pagdating ni Jose Rizal sa Biñan
    1. Hunyo, 1869 - Linggo
    2. Karomata
    3. Leandro - Pinsan ni Jose Rizal (kasama gumala)
  • Unang araw ni Jose Rizal sa Biñan
    1. Maestro Justiniano Cruz (naging guro)
    2. Unang pakikipag-away sa paaralan (Pedro - suntukan, Andres Salandanan - bunong braso)
    3. Pag-aaral ng pagpipinta (Juanco - guro, Jose Guevarra - kaklase)
  • Petsa ng pag-alis ni Jose Rizal sa Biñan
    Disyembre 17, 1870
  • Kawalang-katarungan sa ina ng bayani - pinagbintangang naglason sa asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto
  • Pagpasok ni Jose Rizal sa Ateneo Municipal
    1. Hunyo 10, 1872 - Lumuwas si Jose Rizal sa Maynila, kasama si Paciano, para kumuha ng eksamen sa Kolehiyo San Juan de Letran
    2. Pagbabago ng isip ng ama ni Jose Rizal at pagpapaubaya na lumipat sa Ateneo Municipal
    3. Bumalik si Jose Rizal sa Maynila, sa Ateneo Municipal upang mag-patala
  • Ateneo Municipal
    Prestiyosong kolehiyo para sa kalalakihan, karibal ng Kolehiyo ng San Juan de Letran
  • Dahilan kung bakit muntik hindi makapasok si Jose Rizal sa Ateneo Municipal - huli sa pagpapatala, sakitin at maliit para sa kanyang edad
  • Tumulong kay Jose Rizal makapasok sa Ateneo Municipal - Pamangkin ni Padre Jose Burgos, Manuel Xerex Burgos (Titay)
  • Imperyong Romano
    Binubuo ng mga internos o mga mag-aaral na nangangasera sa loob ng bakuran ng Ateneo
  • Imperyong Kartigano
    Binubuo ng mga internos o mga mag-aaral na nangangasera sa labas ng bakuran ng Ateneo
  • Ranggo ng Imperyong Romano
    • Emperador
    • Tribuna
    • Dekuryon
    • Senturyon
    • Tagapagdala ng bandila
  • Unang taon ni Jose Rizal sa Ateneo

    1. Padre Jose Bech - unang propesor
    2. Kumuha ng aralin sa wikang Espanyol sa Sta. Isabel
    3. Nagtapos sa unang taon sa ikalawang pwesto, may "pinakamahusay" na grado
    4. Nagbakasyon sa Calamba at tumakas para bisitahin ang ina na nakakulong
  • Ikalawang taon ni Jose Rizal sa Ateneo

    1. Lumipat ng dormitoryo sa loob ng pader, kay Donya Pepay
    2. Nanguna muli sa klase at naging emperador muli ang ranggo
    3. Nagbakasyon ulit sa Calamba at binisita ang kanyang ina at hinulaan na makakalaya na ito
    4. Umusbong ang interes sa pagbabasa ng romantikong nobela
  • Ikatlong taon ni Jose Rizal sa Ateneo

    1. Nakalaya na ang kanyang ina
    2. Hindi ganoon kagaling ang pinakita ni Jose Rizal sa kanyang pag-aaral tulad noong nakaraang taon
    3. Isang medalyang Latin lamang ang kanyang nakuha
  • Ikaapat na taon ni Jose Rizal sa Ateneo

    1. Padre Francisco de Paula Sachez - pinakamahusay niyang propesor at naging kaibigan
    2. Naging inspirado muli sa pag-aaral
    3. Nanalo siya ng limang medalya
  • Huling taon ni Jose Rizal sa Ateneo

    1. Marso 23, 1877 - Pagtatapos ni Jose Rizal sa Ateneo, pinaka mahusay na mag-aaral at may pinakamataas na karangalan
    2. Nagtapos sa edad na 16 at nagtapos ng Batsilyer ng Sining
  • Iba pang gawain ni Jose Rizal sa Ateneo
    • Kasapi sa relihiyong samahan
    • Gymnastics at eskrima
    • Pagsusulat ng tula
    • Gumawa ng estatwa (Padre Lleonart - nakiusap na igawa siya ng estatwa na may pangalang "Sagradong Puso ni Hesus")
  • Segunda Katigbak, 14, isang Batanguena, ang unang pag-ibig ni Rizal
  • Nagkakilala sila sa isang pagtitipon, pag-ibig sa unang tingin, nakatakdang ikasal kay Manuel Luz