Ang pagbabasa ay isang aktibong pamamaraan upang maging mas malawak ang kaalaman tungkol sa iba't ibang bagay.
Ang pag-iisip ay isang proseso ng pagsasalaysay at pagpapaliwanag sa mga nakikita, naririnig o nasasabi.
Ang apat na antas ng pagbasa ay ang: Primarya, Mapagsiyasat, Analitikal, Sintopikal
Ang Primarya ay ang pinakamababang antas ng pagbasa
Ang Primarya ay pantulong para makamit ang literasi sa pagbasa
Ang Primarya ay naghahanap ng tiyak na datos at espisipikong impormasyon na kagaya sa ginagawa ng Scanning
Mapagsiyasat ay nauunawan ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng hinuha o impresyon
Ang Mapagsiyasat ay mabilisan pero makabuluhang paunang rebyu nang mas malalim. Inaalam nito ang Panloob at Panlabas kaya naman ay kagaya ito sa Intensibong Pagbasa
Ang Analitikal ay mapanuri o kritikal na pag-iisip para malalimang pag-unawa sa kahulugan at layunino perspektibo ng manunulat. Kaya naman ay sumasailalim ito sa lahat ng uri ng pagbasa.
Ayon kay Anderson et. al, ang pagbasa ay proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ayon kay Alejo et. al, ang pagbasa ay unang hakbang sa pagtatamo ng kaalaman.
Ekstensibong Pagbasa - Pangkalahatang pag-unawa sa maramihang teksto ayon sa iyong interest.
Scanning - ang pokus ay hanapin ang espisipikong impormasyon
Skimming - Alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto