AP reviewer

Cards (85)

  • Sex - Ayon sa World Health Organization (2014) ito ay tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
  • Gender - Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
  • Katangian ng Sex (Characteristics of Sex) 1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi. 2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.
  • Aziza Al Yousef at Eman Al-Nafjan – Sila ay nakulong matapos lumabag sa Women Driving Ban sa Saudi Arabia.
  • Oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
  • Pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
  • Heterosexual – tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
  • Homosexual – tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.
  • Bisexual – tao na naaakit sa parehong babae at lalaki.
  • Intersex – tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite.
  • Lesbian – babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.
  • Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp.
  • Asexual - hindi nakakaramdam o naaakit sa kahit anuman sekwulidad
  • Pansexual – sexually attracted sa kahit na anong uri ng kasarian o gender.
  • Cisgender – ang pagkakakilanlan ng kasarian ay nakahanay sa kasarian na itinalaga sa kanila sa kapanganakan (lalaki o babae).
  • Queer – tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang. Mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
  • Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian. Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan.
  • Ayon sa isang artikulo na mula sa Hesperian Health Guides, ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki.
  • Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
  • Ang babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner.
  • Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
  • Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento (at mga larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas noong 1593-1596.
  • Ang dokumento sa "Boxer Codex" ay napunta sa koleksiyon ni Propesor Charles Ralph Boxer.
  • Pre-kolonyal - Ang kababaihan bagamat na maaaring maging pinuno ng pamahalaan ay tumatamasa pa rin ng mga maliit na lebel ng karapatang pantao sapagkat ang mga kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng madami, at maaaring makipaghiwalay sa mga babae at may karapatan ding kunin ang ari-arian na una nang naibigay sa babae.
  • Panahon ng Kastila - Ang mga kababaihan ay dapat na maging mahusay sa gawaing bahay. Inaasahan din sila na magkaroon ng malaking pakikipagugnayan sa relihiyon at simbahan. Ang mga kalalakihan ang madalas na kumikita at bumubuhay sa kanilang may bahay at pamilya. Sa panahon ng pag-aalsa ang mga kababaihan ay naging parte rin ng pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ang iba ay naging mga bayani, tulad na lamang ni Gabriela Silang.
  • Panahon ng Amerikano - Ang pinakamalaking pagbabago sa panahon ng Amerikano ay ang pantay na pagtanggap ng mga paaralan sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang pamamaraan. Kasabay nito ang pagbibigay karapatan sa mga kababaihan na bumoto.
  • Kasalukuyan - Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kahit na anong kasarian.
  • Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas Ika-16 hanggang ika-17 siglo - Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
  • Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan – halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
  • Babaylan - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang "tila- babae."
  • Panahon ng Kastila sa mga babaylang ito ay nagiba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mula noon, ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
  • Dekada 60 - ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores.
  • DEKADA 80 - Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women's Day noong Marso 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
  • Ladlad (Dekada 80) - isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993. Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines noong 1994.
  • DEKADA 90 - pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993 ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag- aaral na LGBT sa UP) noong 1992.
  • Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90 - gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) -at Lesbian Advocates Philippines (LeAP).
  • Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang Ladlad.
  • unang LGBT lobby group - Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB noong 1999.
  • Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan sa Kanlurang Asya Africa:
    Lebanon (1952)
    Egypt (1956)
    Syria (1949, 1953)
    Tunisia (1959)
    Yemen (1967)
    Mauritania (1961)
    Iraq (1980)
    Algeria (1962)
    Oman (1994)
    Morocco (1963)
    Kuwait (1985, 2005)
    Libya (1964) Sudan (1964)
    Saudi Arabia (2015)
  • Female Genital Mutilation (FGM) - AFRICA ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal.