KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

Cards (33)

  • Kolonyalismo at Imperyalismo - Pag kontrol sa ekonomiya at politika ng isang bansa
  • KOLONYALISMO - Pagkontrol ng isang bansa sa isa pang bansa. Tuwing nananakop ng bansa upang makakuha dito ang kanilang mga pangangailangan.
  • IMPERYALISMO - Tumutukoy sa pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang mga pansariling interes nito. Dominasyon ng isang bansa sa ekonomiya at politika ng isa pang bansa pormal man o di-pormal.
  • ANO ANG MGA PAGBABAGO SA TRADISYONAL NA RUTANG PANGKALAKALAN ?
    seda, tsaa, insenso, porselana, rekado, mga halamang gamot
  • TATLONG PANGUNAHING TRADISYONAL NA RUTANG PANGKALAKALAN?
    silk, incense, spice route
  • Silk route - Rutang panlupa na tumatawid sa rehiyong Asya na nag-uugnay sa China at Mediterranean Sea. Seda, Tsaa, Porselana
  • Incense route - Kontrolado naman ng mga Arab. Insenso at mira. Daanan ng mga produkto mula India, Africa, Silangang Asya at iba pa.
  • Spice route - Nag-uugnay naman sa kalakalan sa pagitan ng mga Indian at Greco-Roman. Pampalasa at rekado
  • Marco Polo – Ang paglalakbay ni Marco Polo sa Asya ay nagbigay-daan sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya. Isa siyang mangangalakal at manlalakbay na taga Venice, Italy.
                      
  • Marco Polo - Naging opisyales din siya ni Kublai Khan sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Siya ay nag lakbay sa Persia (Iran ngayon), China, India, at Indonesia.
  • Kublai Khan - isang Mongolian; pinamunuan ang China sa panahon ng Dinastiyang Yuan.
  • Ama ni Marco Polo?
    Niccolo Polo
  • Tiyuhin ni Marco Polo?
    Maffeo Polo
  • Rustichello da Pisa - Historyador. Nakasama ni Marco Polo sa loob ng kulungan. Isinulat niya ang aklat na may pinamagatang “The Travels of Marco Polo”
  • The Travels of Marco Polo - Naglalarawan ng kultura, karangyaan, kayamanan ng Asya na kumintal sa interes ng mga Europeo na marating ang Asya
  • Krusada – banal na digmaan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano dala ng mga mandirigmang Kristiyano ang simbolo ng Krus.
  • Merkantilismo - Sistemang pang-ekonomiya na umiral sa mga pangunahing bansang Europeong nangangalakal noong ika-16 hanggang ika-18 siglo.
  • Magnetic Compass - Ito ay isang kagamitang panlayag na may magnetic needle na laging nakaturo sa hilaga. Natutukoy ng mga manlalayag ang direksiyong kanilang kinaroroonan at direksiyong pupuntahan.
  • Mariner’s Astrolabe - Ito ang ginagamit sa pagtukoy sa posisyon ng araw, buwan, planeta, at bituin. Ginagamit ng mga manlalayag upang matukoy ang latitude ng barko sa dagat sa pamamagitan ng pagsukat sa taas ng araw sa tanghali.
  • Portolani - Ito ay mga mapang panlayag na batay sa direksiyon ng compass. Tinutukoy ng mga mapang ito ang distansiya ng mga daungan ng mga barko mula sa dagat.
  • Barko - Nakalikha ang mga bansang manlalayag ng mas malalaki at matitibay na barko na naging malaking tulong upang mapabilis at maging ligtas ang paglalakbay sa karagatan.
  • Gunpowder - Inimbento ng mga Tsino na pinaunlad ng mga Europeo ang gamit at naimbento nila ang baril. Gamit ang kagamitang pandigmang ito ay mabilis na napasuko at nasakop ng mga Europeo ang mga katutubo ng mga lupaing kanilang natuklasan.
  • Ito ang tradisyonal na katagang ginamit ng mga sinaunang historyador upang ilarawan ang mga layunin ng mga manunuklas na Italyano at Spanish sa pagdating nila sa America?
    God, Gold, Glory
  • Merkantilismo – prinsipyong nakabatay sa ginto at pilak ang kapangyarihan at kayamanan ng estado.
  • Christopher Columbus - Siya ay naglayag patungong Kanluran lulan ng barko ng Spain noong 1492 upang maghanap ng rutang pangkalakalan patungong Asya.
  • Christopher Columbus - Isang Italyanong manlalakbay, manggagalugad at mananakop. Nagawa niyang maglayag sa Atlantic Ocean sa ilalim ng suporta ng Espanya.
  • Sino ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain?
    Pope Alexander VI
  • Papal Bull – Isang uri ng pampublikong atas, mga patent na letra, o charter na inisyu ng isang papa ng Simbahang Romano Katoliko.
  • NEW WORLD - nahati ang lupain sa pagitan ng Spain at Portugal
  • Isla ng Moluccas – isang isla sa Indonesia na mayaman sa rekado at pampalasa
  • Other terms for isla ng moluccas?
    Isla ng rekado
  • Vasco De Gama - Isang Portuguese explorer. Siya ay nakapag bukas ng “rutang pandagat” patungong India nang marating niya ang Cape of Good Hope sa katimugang Africa. Siya ang nakalibot sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na siyang magbubukas ng ruta patungong India
  • Cape of Good Hope - Ito ay isang mabato na talampas sa baybayin ng Atlantic ng Cape Peninsula, South Africa