filipino

Cards (33)

  • Anekdota
    Personal na kuwento o pangyayari
  • Pagsulat ng anekdota
    1. Alamin ang layunin o paksang paggamitan
    2. Pakaisipan mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad
    3. Itala ang lahat ng naalala o natatandaan
    4. Huwag agad sabihin ang kasukdulan
    5. Iwasan gumamit ng mabibigat na salita
    6. Mag-ensayo kung gagamitin sa pagtatalumpati
    7. Bigyang-diin ang dahilan kung bakit ito ilalahad
  • Ang layunin ng anekdota ay personal na kuwento o pangyayari
  • Ang detalye at natatandaan sa pangyayari ay mahalaga sa pagsulat ng anekdota
  • Huwag agad sabihin ang kasukdulan upang mapanatili ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig
  • Iwasan gumamit ng mabibigat na salita na hindi agad mauunawaan
  • Kung gagamitin sa pagtatalumpati, mahalagang mag-ensayo upang mailahad ito ng mabisa
  • Debate
    Isang pakikipagtalong may estruktura
  • Dalawang panig sa debate
    • Proposisyon (sumasang-ayon)
    • Oposisyon (sumasalungat)
  • Moderator
    Tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at masiguradong igalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate
  • Binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon ang bawat kasapi upang makapaglahad ng kanikanilang mga pagtotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal
  • Timekeeper
    Nakatalaga sa pagbibigay hudyat sa pantay na oras sa pagsasalit ng bawat kalahok
  • Hurado
    Dapat walang kinikilingan sa dalawang panig; sa pagtatapos, magpapasiya sila kung kaninong panig ang higit na nakapanghihikayat
  • Mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na Debater
    • Nilalaman
    • Estilo
    • Estratehiya
  • Nilalaman
    Ang Debater ay dapat may malawak na kaalaman sa kaniyang panig na ipinagtatanggol at maging ang pangkalahatang paksa ng debate
  • Estilo
    Tumutukoy ito sa husay ng Debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate
  • Estratehiya
    Nabibilang dito ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kaniyang proposisyon
  • Uri o format ng Debate
    • Debateng Cambridge
    • Debateng Oxford
    • Modified Oregon Oxford Debate
  • Debateng Cambridge
    Ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay paraipahayag ang kanyang patotoo (constructive remark) at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal)
  • Debateng Oxford
    Ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasaligang mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang pagkakataog magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo (constructive remark) at pagpapabulaan (Rebuttal)
  • Modified Oregon Oxford Debate
    Paksa ng debate: Pagpapatupad ng kongreso ng isang batas na laban sa Political dynasty. 1. Dalawang panig 1.1 Affirmative (Proposisyon) 1.2 Negative (Oposisyon) 2. Tatlong debaters bawat pangkat 3. Isang debater ang makikipagtalo batay sa oras na nakalaan. 4. Constructive Speech (4 na minuto) at Rebuttal/Cross examination (2 na minuto)
  • Pagsasalin-wika
    Ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan
  • Mga pamantayan sa pagsasalin-wika
    • Alamin ang paksa ng isasalin
    • Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin
    • Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita
    • Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa
    • Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin
    • Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin
    • Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan
    • Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at napagbubuti ng karanasan
  • "IF YOU WERE IN MY SHOES"

    • KUNG IKAW ANG NASA SAPATOS KO
    • KUNG IKAW ANG NASA KALAGAYAN KO
  • "MAY GATAS KA PA SA LABI"
    YOU STILL HAVE MILK ON YOUR LIPS
  • "I COULD EAT A HORSE RIGHT NOW"
    KAYA KONG KUMAIN NG KABAYO NGAYON
  • " WHEN THE LAST TREE IS CUT, AND THE LAST FISH IS KILLED, THE LAST RIVER IS POISONED, THEN YOU WILL SEE THAT YOU CAN'T EAT MONEY."

    KAPAG ANG HULING PUNO AY NAPUTOL, AT ANG HULING ISDA AY NAMATAY, ANG HULING ILOG AY NALASON, PAGKATAPOS AY MAKIKITA MO NA HINDI MO MAKAKAIN ANG PERA.
  • "Her smile bewitched him the moment they met"

    SIYA AY NABIGHANI SA KANYANG MGA NGITI SA UNA NILANG PAGKIKITA
  • "In death, there are no accidents, no coincidences, and no escapes." –Final Destination 6

    ANG KAMATAYAN NG TAO, HINDI TOTOO ANG AKSIDENTE O NAGKATAON LANG, AT WALA KA RING TAKAS DITO.
  • "It's snowing"

    UMUULAN NG SNOW
  • "May Budha blessed you"

    SANA'Y PAGPALAIN KA NI BUDHA
  • "if you really think that the environment is less emportant than the economy, try holding your breath while you count your money" – Zephyr McIntyre

    Kung sa tingin mo talaga na ang kapaligiran ay di masyadong mahalaga kaysa ekonomiya, subukan na may hawak ng iyong hininga habang bilangin mo ang iyong pera
  • "A nation that destroys its soils destroys itself. Forests are the lungs of our land, purifying the air and giving fresh strength to our people." – Franklin D. Roosevelt

    Kung sa tingin mo'y mas mahalaga pa ang ekonomiya kaysa kapaligiran, subukan mong huwag huminga habang nagbibilang ng iyong mga salapi.