3 - Kognitibo

Cards (10)

  • Teoryang Kognitibo
-Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging mangangailangang mag isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap
  • Dulog na Pabuod -nagsimula sa pagbibigay ng halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin
  • Dulog na Pasaklaw -nagsimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa
  • Jean Piaget -isang Swiss na sikologo na kilala para sa kanyang pag-aaral sa pagunlad ng bata
  • Jean Piaget -Ayon sa kanya, ang pag-unlad ng isang indibidwal ay dumadaan sa apat na yugto ng kognitibong pagunlad o development
  • Sensorimotor(0-2 taong gulang) -Ang paggalugad ng bata sa paligid ay nakasalalay sa kanyang pandinig, panlasa, at iba pang sensoryong karanasan
    -walang object permanence :ang pag-unawa na ang mga bagay ay nage-exist kahit hindi nila nakikita o nahahawakan
  • Preoperational (2-7 taong gulang) -Sa yugtong ito, nagkakaroon ang bata ng pagpapahalaga sa mga simbolo at wika
    -simula ng paggamit ng imahinasyon
    -pag-unawang egocentrism :nakikita lamang ang mundo sa kanilang perspektibo, at iniisip na ganito rin ang nakikita ng iba
    -hindi pa natutunan ang conservation :pag-uunawa na hindi nagbabago ang dami ng isang bagay sa pagpapalit anyo nito
  • Concrete Operational(7-11 taong gulang) -nagkakaroon ang bata ng mas malalim na pang-unawa sa logic ngunit limitado pa rin sa konkretong karanasan
    -dito na nagaganap ang decentration :ability to pay attention to multiple attributes of an object or situation
    -natutunan na ang conservation at reversibility :pag-unawa na ang ginawang pagbabago ay pwedeng maibalik
  • Formal Operational(11+ taong gulang) -Ang isang indibidwal sa yugtong ito ay may kakayahang mag-isip ng masalimuot at makabuluhang paraan , na nagpapakita ng mas matatag at mas using pag-unawa sa mga abstraktong konsepto.
    -dito nauunlad ang metacognition : abilidad na mapanuri ang sariling mga kaisipan
  • Yugto ng Kognitibong Pag-unlad ni Jean Piaget
    • Sensorimotor
    • Preoperational
    • Concrete Operational
    • Formal Operational