3.5

Cards (11)

  • Pangangatuwiran Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sagatan katibayan o patunay upang Ito ay isang pagbala ay maging katanggapanggapin ang kaani paniwala.
  • Pangatwiran
    Layunin nito hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag
  • Sa pangangatuwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katuwiran o rason. (- Arogante
  • Ang pangangatuwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop, at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat
  • Ang pangangatuwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatuwiran gaya ng debate.
  • Ang pangangatuwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo ninuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang
  • Dahilan ng Pangangatuwiran 1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu 2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kaniya. 3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao 4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin 5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapuwa
  • Kasanayang Nalilinang sa Pangangatuwiran 1. Wasto at mabilis na pag-iisip 2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan 3. Maayos at mabisang pagsasalita 4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran 5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyahan.
  • Uri ng Pangangatuwiran 1. Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo 2. Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo
  • Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo - nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang sim ulain o katotohanan.
  • Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan ang pangangatuwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay lisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.