May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba pa
Mga halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo
mga akdang pampanitikan
suring-basa
obserbasyon
talaarawan
talambuhay
sanaysay
polyetong panturismo
rebyu ng pelikula o palabas
Karaniwang paglalarawan
Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at pang-abay
Masining na paglalarawan
Malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan
Mga pangangailangan sa epektibong deskripsyon
Pagpili ng Paksa
Pagbuo ng isang Pangunahing Larawan
Pagpili ng Sariling Pananaw o Perspektibo
Kaisahan
Pagpiling mga Sangkap na Isasama
Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanaysay, mas madalas na sumusulat ng tekstong deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang detalye sa isang sulatin
Mahalagang unang malaman ang layunin ng isinusulat at pag-isipan kung paano makatutulong ang paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais ipabatid