AP/LGBT

Subdecks (3)

Cards (104)

  • Sex o Sexualidad – ay tumutukoy sa natural o biyolohokal na katangian bilang lalaki o babae.
  •  TAMA- Ang ating seksualidad ay natatalaga sa pamamaigtan ng ating genetic inheritance o pinagmulan ng ating lahi.
  • Sex or sekswalidad- Pinapangkat ang tao bilang babae at lalaki.
  • Sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
  • Gender o Kasarian – tumtutukoy sa isang aspektong kultural na natutunan hinggil sa sexualidad
  • Gender o Kasarian- Ayon sa World Health Organization,Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalake.
  • Oryentasyong Sexual  ( Sexual Orientation)  - ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksyon at nararamdaman ng isang indibidual.
  • Oryentasyong Sexual  ( Sexual Orientation)- · Tumutukoy sa pamantayang panlipunan  ( norms ) na nagtatakda sa mga kilos o gawaing mainam,katanggap – tanggap at kanais  -  nais para sa isang tao batay sa kanyang sex
  • Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal at homosekwal.
  • Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
  • Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyemro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
  • Pagkakakilanlang pangkasarian ( Gender Identity ) – ay ang nararamdaman o paniniwalang  kasarian ng isang tao maging ito ay akma  o hindi sa kaniyang seksualidad.
  • Pagkakakilanlang pangkasarian ( Gender Identity )- Ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak,kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.
  • LGBT / LGBTQA – inisyalismo para sa Lesbian Gag Bisexual at Transgender (LGBT ) or Lesbian Gay Bisexual Transgender Intersex  Questioning / Queer at Allies
  • Lesbian (tomboy ) – sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae ,( tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy.
  • Bisexual – mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian para sa mga lalaki o babae
  • Gay (bakla ) – mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki at kumikilos na parang babae
  •  Transgender – kung ang isang tao ay nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan ang kaniyang pag –iisip at mga pangangatawan ay hindi magkatugma siya ay maaaring may transgender na katauhan
  •  Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong sekswal sa anumang kasarian.  Sila ay hindi aktibo sa gawaing sekswal ( sexually inactive ) o walang sekswal na pagnanasa
  • Pemenismo – ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa pulitikal, ekonomok, at kultural na larangan.
  • Gender Roles – tumutukoy sa pamantayang panlipunan ( norms ) na nagtatakda sa mga kilos o gawaing mainam, katanggap – tanggap at kanais – nais para sa isang tao batay sa kanyang sex
  • Layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim ng batas para sa kababaihan.
  • Pemenismo- Ito ay batay sa paniniwalang ang pang – aapi sa kababaihan sa lipunan ay dulot ng patriyarka. Layunin ng peminismo na wakasan ang patriyarka upang palayain ang mga kababaihan, kalalakihan at mga minorya.
  •  Diskriminasyon  - ang anumang pag - uuri,eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan.
  • Karahasan – karahasang nangyayari dahil sa di pantay na relasyong kapangyarihan at batayang inaasahan base sa kasarian, mga gawaing nagdudulot ng pisikal, mental o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit at pagsikil sa kalayaan. Ito ay paglabag sa karapatang pantao at isang uri ng diskriminasyon.
  • · Ayon sa GABRIELA ( General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action )
  • ito ang seven deadly Sins against Women:
    *Pambubugbog / pananakit
    * Panggagahasa
    * Incest at iba pang sekswal na pang – aabuso
    * Sexual harassment
    * Sexual discrimination at exploitation
    * Limitadong access sa reproductive health
    * Sex trafficking at prostitusyon
  • Ang same sex marriage ay minsang tinatawag na marriage equality o kaya’y equal marriage sapagkat naniniwala silang nangangailangan ng pantay na pagtrato ang batas sa kanila at sa mga heteroseksuwal
  • Ang samesex marriage ay hindi lamang isang isyung politikal ngunit panlipunan din. Saklaw nito ang karapatang pantao at karapatang sibil. Ito ay isa ring  isyung panrelihiyon sa maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas. Patuloy pa rin ang debate tungkol dito sa iba’t ibang panig ng daigdig.
  • Ang samesex marriage ay isang konsepto na pinoprotektahan ng Karapatang pantao at karapatang sibil. Ang karapatang pantao ay isang prinsipyo na sinasadya ng UN Human Rights Council. Nagpapahayag ito na lahat ng tao ay may karapatan na magkaroon ng epektibong proteksiyon laban sa mga abuso at diskriminasyon. Ang karapatang sibil naman ay isang prinsipyo na sinasadya ng United Nations Convention on the rights of the child. Nagpapahayag ito na ang mga batang may karapatan na magkaroon ng edukasyon, kaalaman, kaligtasan, katarungan, at kalayaan.