Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi man natin namamalayan ay palagi tayong nangangatwiran upang igit ang sariling panig o kagustuhan.
Paksa 1: Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo ang:
tesis
posisyong papel
papel na pananaliksik
editoryal
petisyon