Fil 6

Cards (11)

  • Tekstong prosidyural
    Nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay
  • Malaki ang pagkakaiba ng tekstong naratibo sa mga naunang tinalakay na teksto
  • Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay
  • Mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong prosidyural

    • Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo
    • Resipi
    • Gabay sa paggawa ng mga proyekto
    • Mga eksperimentong siyentipiko
    • Mekaniks ng laro
  • Mga elemento ng tekstong prosidyural
    • Layunin
    • Kagamitan
    • Mga hakbang
    • Tulong na larawan
    • Metodo
    • Ebalwasyon
  • Layunin
    Kadalasang mahihinuha na agad sa pamagat pa lamang ang layunin ng tekstong prosidyural
  • Kagamitan
    Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan, kung minsan ay mga kasanayan o kakayahan
  • Mga hakbang
    Ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin
  • Tulong na larawan
    Nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at masigurong wasto ang pagsunod sa isang hakbang dahil maikukumpara ng mambabasa ang kaniyang ginagawa sa tulong na larawan
  • Metodo
    Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto
  • Ebalwasyon
    Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa