Filipino all lessons 3rd quarter

Cards (21)

  • Mitolohiya
    Kwentong-bayan ng Pilipinas, karaniwang tungkol sa simula ng daigdig, mga unang lalaki at babae at ang pinagmulan ng araw at gabi
  • Mga katangian ng mitolohiya
    • Nag-iiwan ng mabuting aral
    • Nagpapaliwanag ng pagkakalikha sa daigdig
    • Naglalahad ng sinaunang gawain/ritwal at digmaang panrelihiyon
    • Nagpapaliwanag ng kasaysayan ng isang lugar o pook
    • Naglalarawan ng kasaysayan ng isang lugar o pook
    • Naglalarawan ng saloobin at damdamin pangarap at mithiin ng mga sinaunang tao
    • Naglalarawan ng matatandang pamahiin at kaugalian
  • Elemento ng mitolohiya
    • Tauhan
    • Banghay
    • Tagpuan
  • Pagsasaling wika
    Pagtatangkang kalinhan ang isang nakasulat na mensahe o pahayag mula sa unang wika (source language) tungo sa ikalawang wika (target language)
  • Layunin ng pagsasalin wika
    • Magpalaganap ng kaalaman o kaisipang ipinaabot ng awtor mula sa teksto
    • Nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang lahi at naglalarawan sa kultura ng isang bansa sa isang tiyak na panahon
  • Katangian ng mahusay na tagapasalin

    • May ganap na pagkakaunawa sa konteksto at kultura ng awtor
    • May ganap na pagkakaunawa sa nilalaman at intensyon ng awtor ng akdang isinalin
    • May ganap na kaalaman sa wikang isinasalin at may kahusayan din sa pag-alam sa wikang pinagsasalinan
    • May sapat na kaalaman sa paksang isinasalin at sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin
    • Hangga't maaari ay umiwas sa pagsasalin nang salita sa salita sapagkat nakalihis ito sa orihinal na mensahe ng teksto
    • Gumamit ng pangkaraniwang wika na ginagamit ng nakararami upang higit na maunawaan
    • Bumuo ng pangkalahatang bisa at angkop na himig at tono sa paksa
  • Anekdota
    Akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao, maikling kwento ukol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral
  • Elemento ng anekdota
    • Abstrak
    • Oryentasyon
    • Tunggalian
    • Resolusyon
    • Ebalwasyon
  • Talasik
    Mga titik o kataga na idinudugtong sa uanahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita
  • Kahusayan sa pagsusulat at pagsasalaysay
    • Kahusayang gramatikal
    • Kahusayang diskorsal
    • Kahusayang estratejik
  • Uri ng tula (batay sa taludturan)
    • Tradisyunal
    • Tulang naratibo
    • Malayang taludturan
  • Uri ng tulang naratibo
    • Epiko
    • Awit
    • Korido
  • Katutubong tula
    • Tanaga
    • Dalit
    • Diona
  • Uri ng tula
    • Tulang tuluyan
    • Tulang moderno
  • Elemento ng tula (pagsulat)
    • Sukat
    • Tugma
    • Talinghaga
    • Simbolismo
    • Indayog
    • Kariktan
  • Epiko
    Mahabang tula na karaniwang mula sa sinaunang pasalitang tradisyon, nagsasalaysay ng mga gawain at pakikipagsapalaran ng mga bayani, o kaya'y mga tauhan sa alamat; mga kasaysayan ng isang bansa
  • Elemento ng epiko
    • Tauhan
    • Banghay
  • Mga halimbawa ng epiko sa Pilipinas
    • Agyu
    • Alim
    • Bantugan
    • Bidasari
    • Darangan
    • Hudhud: Ang Kuwento ni Aliguyon
    • Humadapnon
    • Ibalon
    • Indarapatra at Sulayman
    • Labaw Donggon
    • Lam-ang
    • Maragtas
    • Si Biuag at Malana
    • Tulalang
    • Tuwaang
    • Ullalim
  • Damdamin
    Tumutukoy sa naging emosyon ng mambabasa sa binasang sanaysay
  • Tono
    Tumutukoy sa emosyon ng awtor sa paksang kaniyang tinalakay