Isang anyo na sumasalamin sa damdamin, kaisipan, karanasan, hangarin, at kultura.
Ang salitang "panitikan" ay binubuo ng "Pang-titik-an"
-kung saan ay nangangahulugang ang 'titik' ay ang letra o sulat,
-at makikita sa unlaping "pang-" at hulaping "-an" na may simbolo sa kaugnay na ugat ng salita.
Ang panitikan ay yaong nagbibigay ng iba't ibang detalye na naglalaman ng damdamin at diwa tungkol sa katutubong panitikan noong sinaunang panahon.
Ito ay nagpapaunlad sa kultura ng mga Pilipino sapagkat mayroon itong pangkat-etniko, pangkat-linggwisitiko, sining, at mga lipunan na tinutuklas sa pamamagitan ng artifacts.
Pasulat - isang uri ng panitikan na pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtatala; tula, sanaysay, at pabula.
Pasalita - isang uri ng panitikan na pagpapahayag sa pamamagitan ng boses; bugtong, salawikain, at alamat.