Ito ay isang munting sangay ng panitikan na tumutukoy sa mga kasabihan, paniniwala, at mga tradisyon kung saan ay nagmumula sa mga ninuno. Tinatawag itong Karunungang-Bayan.
Pinapahayag ang karunungang-bayan sa pamamagitan ng pasalita upang matulungan ang mga parte ng ating kultura na mapatalim ang utak sa pagpapatibay ng ating ugat bilang mga Pilipino.
Bugtong - kinikilala bilang riddle; isang panulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Palaisipan - mga katanungang nagpapagulo sa isip ng mga tagapakinig dahil sa lohikal.
Salawikain - mga kagandahang-asal at kaugaliang dapat maitumbas sa pagkatao ng isang tao ayon sa tanging karanasan ng mga matatanda.
KasabihanoKawikaan - hindi gumagamit ng mga talinghaga. Ito ay tiyak na salamin sa mga kilos at gawi natin.
Sawikain -ang mga parirala sa malalalim na kahulugan ay may idyoma at tayutay na ginagamit sa pagpapahayag.
Tugmang de Gulong - karaniwang makikita sa mga sasakyan at kalsada; kadalasan ay puro palatawang paalala o kasabihan na maaaring matuwa ang mga tao.
Tulang Panudyo - entertainment na may halong pang-aasar o manukso sa paraang iyon. Ito ay karaniwan sa larong-bata, at maaari itong maging "awiting panudyo".