Arpan

Subdecks (1)

Cards (27)

  • Malala Yousafzai
    Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
  • Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan
  • Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala. Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo
  • Taliban
    Kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan, tinutuligsa sa konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur'an, itinuturing ng Estados Unidos na terorista
  • Ilan sa mga akusasyong ibinabato sa Taliban ay massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato sa kababaihan, at suicide bombings
  • Malala Yousafzai
    Ipinanganak noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan
  • Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim, kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral
  • Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon
  • Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan
  • Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan
  • Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon
  • Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae
  • Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014
  • Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria
  • Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang babae sa iba't ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba't ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at nongovernment organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa