Mga Konsepto ng Wika

Cards (23)

  • wika - instrumento ng komunikasyon
  • ang wika sa latin ay lingua na nangangahulugang dila at wika o lengguwahe
  • Paz, Hernandez, at Penerya - ang wika ay tulay para maipahayag ang anumang pangangailangan
  • Henry Allan Gleason Jr. - ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog, pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
  • Cambridge dictionary - ang wika ay sistema ng komunikasyon na may tunog, salita at gramatika
  • Charles Darwin - ang wika ay sining tulad ng pag gawa ng serbesa o pag be-bake ng cake at pag susulat
  • Mayroong 150 na wika at diyalekto sa ating bansa
  • Kumbensyong konstitusyonal ng 1934 - Nag simulang pumili ng wikang pambansa
  • Lope K. Santos - ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa pilipinas
  • Artikulo XIV, sekyson 3 ng saligang batas ng 1935 na isinulong ni Pangulong Quezon - ang pagpili ng wikang pambansa ay isa sa mga umiiral na katutubong wika
  • Norbero Romualdez - sumulat ng batas komowelt blg. 184
  • Batas komonwelt blg. 184 - lumikha ng SWP( Surian ng Wikang Pambansa), sila ang pumili ng tagalog bilang batayan ng wikang pambansa
  • Wika - behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
  • Mga pamantayan ng SWP sa pag pili ng wika; Wika ng sentro ng pamahalaan, Wika ng sentro ng edukasyon, Wika ng sentro ng kalakalan, at Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat sa panitikan
  • Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.
  • 1940- Dalawang taon matapos mapagtibay ang kautusan Tagapagpaganap Blg. 134 nagsimulang ituro ang wikang Pambansa batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
  • Ipinagkaloob ng Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
  • Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula sa Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon.
  • Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noon 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli ito ang mga nagging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg 2.
  • Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong  Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad ito sa Artikulo XIV, Seksiyon 6.
  • Artikulo XIV, Seksiyon 6 - "Ang wikangpambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
  • Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 - "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ngisang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubongwika. Hangga 't hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika."
  • Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye 1988 - “Nag-aatas sa lahat ng kagawaran,kawanihan,opisina, ahensya at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga tranksaksiyon,komunikasyon at korespondensiya."\