Unang wika, Pangalawang wika, at iba pa

Cards (15)

  • Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1.
  • Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.
  • Dito'y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop nya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3.
  • Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
  • Monolingguwalismo ay isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
  • Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.
  • John Macnamara (1967), isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika maliban sa kaniyang unang wika.
  • Uriel Weinreich (1953), isang lingguwistang PolishAmerican, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan at matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng wikang ito ay bilingguwal.
  • Balanced Bilingual - Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.
  • Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paraalan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
  • Resolusyon bilang 73-7 - “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas universidad sa lahat ng paraalan, publiko o pribado man.”
  • Presidential Commision to Survey Philippine Education (PCSPE)
  • Board of National Education (BNE)
  • Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
  • Duche at Tucker (1977) - napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatutuo sa pangalawang wika.